Magkakaroon din ng delegado ang Pilipinas para sa iba pang esports events na tampok sa SEA Games 2022 na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa paparating na Mayo.

Ito ay matapos ianunsyo ng SIBOL, ang national esports team ng Pilipinas, ang pagbubukas ng registrations para sa Arena of Valor, League of Legends, Free Fire, at FIFA Online 4.

SIBOL registration para sa AoV, Free Fire, FIFA, at LoL, binuksan
Credit: SIBOL

Binuksan ang naturang registrations ilang araw matapos ganapin ang unang phase ng qualifiers para sa Mobile Legends: Bang Bang, CrossFire, pati na rin ang men at women’s divisions ng League of Legends: Wild Rift.


Links para sa SIBOL registration

Credit: SIBOL

Ang mga interesadong manlalaro ay dapat 18 taong gulang pataas, o magla-18 taong gulang bago ang ika-12 ng Marso. Ito ay alinsunod sa age requirement na inilatag ng host country na Vietnam.

Matatagpuan ang SIBOL registration links sa sumusunod:


Maaaring mag-register para sa mga naturang laro hanggang sa ikalima ng Pebrero.

BASAHIN: Execration at Pacific Macta, directly invited sa SIBOL Phase 2 Crossfire qualifiers