Ang article na ito ay hatid ng foodpanda.

Kayo ba ang pinakamalakas na PUBG Mobile squad sa Southeast Asia? Pwede niyo nang patunayan ‘yan sa pagsali sa pandapro SEA Cup, hatid ng foodpanda, at maaari pa kayong manalo ng pinakamalaking bahagi ng US$3,500 na prize pool!

Ano ang pandapro SEA Cup?

Ang pandapro SEA Cup ay ang pagkakataon ng PUBG Mobile fans na makapaglaro gaya ng mga pro sa pakikipag-compete kontra amateur at pro teams sa buong SEA. Ipalalabas din sa stream, nang may pro casters, ang mga laban simula sa Semi Finals.

Bukas ang turneo sa PUBG Mobile gamers sa Pilipinas, Malaysia, Thailand, at Singapore.

Format ng pandapro SEA Cup

Bubuuin ng tatlo stages ang turneo:

Qualifiers

Nobyembre 1 – 4 at Nobyembre 8 – 11

Hanggang 256 teams ang papasok sa unang stage. Mahahati sa 16 grupo na may tig-16 koponan ang mga kalahok at maglalaban-laban ang mga ito sa 16-squad battle royale format. Aabante sa Semi Finals ang top two teams bawat grupo.

May dalawang periods ng pag-qualify, ang una ay gaganapin simula Nobyembre 1 hanggang 4, habang ang susunod naman ay mangyayari sa Nobyembre 8 hanggang 11.

Semi Finals

Nobyembre 14 – 15

Para sa Semi Finals, ang natitirang 32 koponan ay muling sasabak sa dalawang 16-squad battle royales. Ang tatlong teams na mangingibabaw sa bawat grupo ay aabante sa Finals.

Finals

Nobyembre 18 – 21

Para sa huling round, ang huling anim na koponan mula sa Semi Finals ay magko-compete kontra invited pro teams para sa pandapro SEA Cup title at ang grand prize na US$2,000.

Prize Money

  • First place – US$2,000
  • Second place – US$1,000
  • Third place – US$500
pandapro SEA CUP PUBG Mobile

Paano panoorin ang pandapro SEA Cup?

Ila-livestream ang Semi Finals at Final stages ng turneo sa dalawang lenggwahe, English at Thai, sa Facebook pages ng SirCloud at Ffame. Ipalalabas sa SirCloud ang English cast, habang ang Thai stream naman ay ipalalabas sa Ffame, kasama si Zaffer bilang caster.

Lahat ng laro ay magsisimula sa ganap na ikawalo ng gabi sa Pilipinas, Malaysia, at Singapore, habang ika-siyam ng gabi naman sa Thailand.

Paano mag-sign up para sa pandapro SEA Cup?

Maaaring mag-sign up para makasali sa opisyal na pandapro SEA Cup website na matatagpuan dito. Libre lang ang registration ay mananatili itong bukas hanggang sa araw ng qualifiers, pero tandaan na 256 slots lang ang available kaya siguraduhing mag-sign up nang maaga.

Magsasara ang registration pag napuno na ang slots. Tandaan din na kailangan ng mga player ng Nicecactus profile para makapasok.

May ibubuga ka ba? Sign up na!

Ano ang pandapro?

Ang pandapro ay ang subscription service ng foodpanda na pwedeng makapag-unlock ng perks gaya ng free delivery, exclusive discounts, at monthly vouchers.

PUBG Mobile

BASAHIN: Paano makapag-redeem ng codes sa PUBG Mobile: 7 easy steps