Ang PUBG Nations Cup ay nagbabalik sa kung saan ito nagsimula.

Ang PNC 2023 ay gaganapin sa Seoul, Timog Korea — kung saan ito unang nag-debut noong 2019 — para sa ikatlong edisyon nito. Nag-uumapaw ang kompetisyon sa pagitan ng 16 na mga bansa na nakapasok.

Gaganapin ang mga laban sa loob ng tatlong araw, mula ika-15 hanggang ika-17 ng Setyembre sa Sangam Afreeca Colosseum.


Mga kalahok na koponan sa PNC 2023

Tampok sa PNC 2023 ang 16 na mga bansa, kabilang ang mga defending champions mula sa United Kingdom.

  • United Kingdom (defending champion)
  • Argentina
  • Australia
  • Brazil
  • Canada
  • China
  • Chinese Taipei
  • Denmark
  • Germany
  • India
  • Japan
  • South Korea
  • Thailand
  • Türkiye
  • United States
  • Vietnam

Maaari mong makita ang kumpletong listahan, kasama ang mga manlalaro, dito sa opisyal na website ng PUBG.


Format ng PNC 2023

PUBG PNC 2023 Vikendi and Miramar
Credit: Krafton Inc.

Bawat araw sa PNC 2023 ay may anim na laban, kaya’t may kabuuang 18 games na magaganap sa buong tournament. Ang mga puntos ay ibinibigay base sa placement at kills.

Ang map pool ng tournament ay kabibilangan ng Erangel, Miramar, Taego, at Vikendi. Ang revamped Vikendi at bagong Taego ay magiging tampok sa mas mababang ratio kumpara sa mga classic maps.



PNC 2023 prize pool

Ang kabuuang halagang US$300,000 ang nakataya, kasama ang karagdagang prize money mula sa crowdfunding.

RANKPRIZE
1stUS$100,000
2ndUS$40,000
3rdUS$25,000
4thUS$22,000
5thUS$18,000
6thUS$15,000
7thUS$12,500
8thUS$10,000
9thUS$9,500
10thUS$9,000
11thUS$8,000
12thUS$7,500
13thUS$7,000
14thUS$6,000
15thUS$5,500
16thUS$5,000

Saan mapapanood ang PNC 2023

PNC 2023 talents include Paperthin, State, and Bella
Credit: Krafton Inc.

Narito ang mga opisyal na broadcast mula sa PUBG Esports:

Maliban sa coverage sa English, marami pang mapagpipiliang lenguahe, kabilang ang Korean, Chinese, Turkish, at iba pa.

Regional broadcast channels

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa PUBG.

BASAHIN: Ito na ang pagkakataon mong manalo ng 4 na PUBG Team Edition Skins sa giveaway na ‘to