Sa kanyang stream kamakailan, sinagot ng sikat na pro player na si Daigo “The Beast” Umehara ang tanong na ipinadala ng isa sa kanyang mga viewers.

Ayon sa viewer, naging mahusay siyang player ng Street Fighter IV, ngunit nahirapan nang maglaro siya ng Street Fighter V, kaya’t tinanong niya si Daigo kung ano ang madaling paraan upang maging magaling sa Street Fighter V.

Naunawaan agads ni Umehara ang sitwasyon at sinagot ang tanong.

“So, yeah. That’s how Street Fighter 4 was. In Street fighter 4, you won by learning small techniques and information,” sagot ni Umehara. “this means that whoever labbed in Training Mode became really good at the game.”

Ipinaliwanag din ng tinaguriang The Beast na dahil dito ay naging kakaiba ang Street Fighter IV kumpara sa ibang games sa series. Binanggit din niya na ang pagkakaroon ng mabigat na setplay sa Street Fighter IV ay hindi maganda para sa isang fighting game.

“Overall in fighting games, whoever is good at playing in actual matches is a good player,” pagpapatuloy ni Daigo. “In other words, bookworm players like this guy don’t usually win in fighting games. But SF4 was one of the only games where bookworms could actually win matches.”

Daigo SFIV anomaly
Credit: FGC Translated

“To be honest, this isn’t a good thing for a fighting game, in my opinion,” sabi ni Umehara. “The game was defensive and the pace was slow. So, please consider SF4 as an anomaly. That was a weird game.”

Ipinaliwanag din ni Umehara na hindi lang dapat umaasa sa mga combos at setups ang mga fighting game players. Pinayuhan din niya ang viewer na baguhin ang paraan ng pag-iisip kung gusto niyang magpatuloy sa paglalaro ng fighting games.

Mapapanood ang buong sagoit ni Daigo sa video sa ibaba:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.