Isa sa pinakasikat at hindi malilimutan na esports moment sa kasaysayan ay nangyari noong 2004 sa Evo, ang pinakamalaking fighting game tournament sa buong mundo. Dalawa sa pinakamahuhusay na players ng Street Fighter III: 3rd Strike ang naglaban, sina Justin Wong at Daigo Umehara. Sa mga huling sandali ng malaking kalamangan at tila makukuha na ni Justin ang panalo, ginawa ni Daigo ang inaakala ng marami na imposible. Sa natitirang isang pixel sa kanyang lifebar, na-parry ni Daigo ang 15-hit Super Art ni Chunli at gumanti ng winning combo. At dito nagsimula ang alamat ng Evo Moment 37.

Street Fighter Justin Wong Daigo Evo 2004
Credit: Evo

Sa pagpasok ng taong 2022, makalipas angt 18 taon, muling naranasan ni Justin ang bangungot. Ngunit sa pagkakataong ito ay sa ibang player sa kanyang Twitch livestream.

Nakaharap ni Justin ang player na si Capge sa kanyang retro fighting game stream ng Street Fighter III: 3rd Strike. Palitan ng panalo ang dalawa, ngunit maya-maya ay nagsimulang maging pamilyar kay Justin ang mga pangyayari.

Tila pinapalakas ni Justin Wong ang kanyang loob at kinukumbinsi ang sarili na hindi mauulit ang nangyari sa kanila ni Daigo. “You think he got it, bro? You think he Daigo? You ain’t Daigo!”

Ngunit nang magsimula nang magpaulan ng parry ang kalaban, napasigaw na lamang sa gulat at pagkamangha si Justin. “Oh, he Daigo! He Daigo!”

Na-parry ng ni Capge ang 15-hit Super Art na pinakawalan ni Justin kasunod ang eksaktong combo na binitawan ni Daigo noong 2004.

“Bro, that’s not scripted,” sabi ni Justin pagkatapos ng laban. “That’s not scripted. He Daigo’d me.”

 Panoorin ang laban sa pagitan ni Justin Wong at Capge dito:

I GOT DAIGO PARRIED AGAIN! – YouTube

Para sa iba pang balitang esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.