Siguradong magiging masaya ang mga Street Fighter fans dahil magpapatuloy ang Evo Moment 37 sa SF6, na nakatakdang ilabas sa susunod na taon.

Para sa mga hindi pailyar sa sikat na FGC highlight na ito, ang Evo moment 37 ay noong magawa ni Daigo Umehara na i-parry ang Super Art na ibinato ni Justin Wong sa semifinals ng Street Fighter III: 3rd Strike championship sa Evo 2004.

Na-parry ng Japanese Street Fighter legend ang 15-hit Houyoku-Sen Super Art ni Chun-Li at sinundan ito ng sariling Super Art ni Ken, na bumuo sa isang malahimalang comeback na hindi malilimutan ng mga fighting game fans hanggang sa araw na ito.

Paano magagawa ng mga players ang Evo Moment 37 sa Street Fighter 6

SF Evo Moment 37
Credit: Evo

Maswerte ang mga fans na gustong maulit ang moment na ito. Ipinakita ng fighting game aficionado na si Maximillian “Maximilian Dood” Christensen na pwedeng magawa ng mga players ang Evo Moment 37 sa Street Fighter 6, dahil ang bagong Drive Parry feature ng game ay kapareho ng parry system sa Street Fighter III: 3rd Strike.

SF6 Evo Moment 37
Credit: Maximilain Dood

Sa SF6, magagawa ng mga players a perfect parry sa pamamagitan ng pagpindot nang sabay sa medium punch at medium kick bago tamaan ang kanilang character. Nangangahulugan na pwede silang mag-parry ng sunod-sunod na attacks kung tama ang tiyempo nila.

Alam din natin na ang SF6 ay may bagong super mechanic. Ang lahat nang characters ay may tatlong magkakaibang super tiers mula level 1 hanggang level 3, at ang bawat isa ay gagamit ng magkakaibang bilang ng kanilang gauge meter.

Inilahad din ng Capcom na si Chun-Li ng SF6 ay merong super move na katulad ng kanyang Houyoku-Sen Super Art mula sa Street Fighter III: 3rd Strike.

At dahil sa Drive Parry feature ng SF6, samahan pa ng lightning kicks super ni Chun-Li, hindi magiging ligtas ang mga players tulad ni Justin Wong mula sa mga parry gods gaya ni Daigo, kahit na sa ikaanim na installment pa ng Street Fighter series.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.