Inanunsyo ng Capcom ang pagsali ni Guile sa opisyal na roster ng Street Fighter 6 (SF6) sa nagdaang Summer Game Fest showcase.

Kapansin-pansin na mas mukhang matanda ang itsura ng United States Air Force Major, tulad ng mga kapwa characters na sina Ryu at Chun-Li.

Muling nagbabalik ang trademark flattop at Stars and Stripes tattoo ng all-American hero, ngunit meron na sya ngayong blonde na goatee at may suot na overall na tinatawag ng Capcom na kanyang “flight suit.”

He is also particular about the design of his flight patch,” sabi ng Street Fighter 6 Game Director na si Taka Nakayama. “His simple and lean costume must be a reflection of his fighting style.”

SF6 backstory at gameplay ni Guile inihayag na ng Capcom

SF6 Guile gameplay backstory
Credit: Capcom

Ayon sa opisyal na Street Fighter 6 website, sa wakas ay nagawa na ni Guile na puksain ang Shadaloo, ang makapangyarihan at mapanganib na criminal organization na nagsilbing mga kontrabida sa Street Fighter universe. Matapos ipaghiganti ang kaibigang si Charlie Nash, nabubuhay ngayon si Guile bilang isang pamilyadong tao, ngunit may mga bagong laban na naghihintay sa kanya.

Ang mga trademark moves ni Guile ay tampok din sa kanyang gameplay trailer, kabilang na ang kanyang double sweep at forward heavy punch na tumama nang overhead.

Dagdag pa rito, karamihan nang kanyang special moves gaya ng Flash Kick, Sonic Boom, Sonic Blade, Sonic Hurricane, at Solid Puncher ay kapareho pa rin ng itsura at gamit ng sa SFV.



Ipinakita rin sa trailer ang classic stage ni Guile. Ngunit sa halip na sa Air Force base, ang backdrop ngayon ay isa nang aircraft carrier na may mga fighter planes at flight crews sa background.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na website ng Capcom dito. Ang Street Fighter 6 ay nakatakdang ilabas sa susunod na taon at magiging available sa PlayStation 5, PlayStation 4, Xbox Series X | S, at PC.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.