Matagal na sa mga fighting games ang “easy mode” o ang mas pinasimpleng control options, pero sa Street Fighter 6 unang beses na ipapatupad ng Capcom sa kanilang mainline ang paggamit ng feature na ito.

Sa isang panayam ng Game Informer, ipinaliwanag ng Street Fighter 6 Director na si Takayuki Nakayama kung ano ang Modern Control at kung bakit hindi ito dapat tawaging “easy mode.”

“Competitive balance is essential. It comes down to us doing our best,” sabi ni Nakayama. “That’s the truth. But really, the answer is Modern Control Type, which is not an ‘Easy Mode.’”

“If someone wants to play Modern Control Type in a competitive setting, like a tournament, they should. It’s simply a different avenue for players who want it.”

Bagama’t marami ang nag-iisip na hindi magiging patas ang paggamit ng ibang players ng Modern Controls dahil mas pinapadali nito ang execution ng mga moves, may ilang rason na nagsasabing hindi ito makakaapekto sa takbo ng SF6 tournament scene sa ilang kadahilanan.

Bakit hindi dapat ituring na “easy moide” ang Modern Controls ng Street Fighter 6

Kung pagbabasehan ang unang playable demo ng SF6, tinatanggal ng Modern Controls ang kalahati ng mga normal attacks ng isang character dahil meron lamang tatlong buttons para sa normal at isa para sa special attacks na hindi kinakailangan ng motion input.

Street Fighter 6 Modern Controls SF6
Credit: Capcom

Ang kakayahan na magawa ang Shoryuken ni Ryu sa pagpindot lang ng forward at triangle nang sabay ay mukhang isang advantage para sa iba, pero nangangahulugan din ito masasakripisyo ang pagkakaroon ng players ng ibang special at normal moves.

Bukod pa dito, meron lamang apat na slots para sa specials sa Modern Controls, kung kaya’t ang mga characters na may mas maraming special moves ay hindi magagamit ang lahat nang ito kahit pa gumamit sila ng traditional input.

Marami pang pagbabagong mangyayari bago ilabas ang Street Fighter 6 sa susunod na taon, at sa unang pagkakataon ay kumukuha ng outside feedback ang Capcom upang mas lalaong mapabuti ang pag-develop sa game.

Maaari tayong makakita ng mga pagbabago kung saan magiging patas sa isa’t isa ang Modern at Traditional controls, ngunit mahirap pa ring makita sa competitive scene ang pagpili ng mas simpleng input dahil tinatanggal nito ang ilan sa mga mahahalagang options para sa player.

Ayon sa mga developers ay nagpapatakbo rin sila ng in-house tournaments araw-araw upang makatulong sa pagbalanse ng Street Fighter 6, kaya’t huwag kayong magugulat kung mag-iba ang lalabas na gamw kumpara sa nakita natin noong June.

Mapapanood ang buong interview ng Game Informer sa SF6 developers sa ibaba:



Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.