Inanunsyo ng Capcom ang dalawang bagong in-game commentators para sa Street Fighter 6 na sina Steve “Tasty Steve” Scott at James Chen.

Ang anunsyo ay naganap sa katatapos lang na EVO 2022, kung saan ipinakilala ang dalawang bagong boses sa inaabangan ng marami na SF6 sa Capcom panel.

Street Fighter 6 Commentators Tasty Steve
Credit: Capcom

Tampok sa Real-Time Commentary feature sa SF6 ang mga boses ng mga sikat na fighting game community commentators kung saan maaari mo silang marinig upang i-cast ang iyong game habang naglalaro na parang isang totoong tournament.

Sasamahan ng dalawang commentators na ito ang nauna nang inanunsyong English speaking commentator na si Jeremy “Vicious” Lopez pati na rin ang Japanese commentator na si Aru sa pinakabagong fighting game title ng Capcom.

Tasty Steve at James Chen commentaries sa Street Fighter 6

Street Fighter 6 Commentators Tasty Steve James Chen EVO 2022 Panel
Credit: EVO

Bitbit ni Steve ang kanyang trademark hype at charisma sa kanyang play-by-play commentaries, habang si James naman ang bahala sa color at analysis ng bawat punto ng bakbakan.

Pabirong nagkomento si Steve na bilang isang official in-game commentator ng SF6, ay maituturing na siyang canon sa game. Dinig sa boses niya ang taos-pusong pagpapasalamat at nilarawan ang karanasan bilang “surreal”.

Street Fighter 6 Commentators James Chen
Credit: Capcom

Ayon naman kay James, na ang oportunidad na ito kahanay ng pangarap niyang maging isang cartoon voice actor. “When I was growing up, I was such a fan of cartoon voice acting,” sabi niya.

“Do I want to try to do something like this as a career. Honestly, this might be better than anything that could possibly happen.”

Panoorin ang announcement trailer dito:



Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.