Ang pagdating ng Tekken 8, ang pinakabagong installment ng fighting game franchise ng Bandai Namco, ay palapit na nang palapit.

Ilang buwan bago ang opisyal na paglabas nito, naghahanda na ang Bandai Namco Entertainment na ilunsad ang Closed Network Test (CNT) para sa Tekken 8. Ang eksklusibong pagkakataon na ito ay magbibigay-daan sa piling grupo ng mga players na maagang masubukan ang matagal nang hinihintay na fighting game.

Habang nag-aabang ang community na gigil na malaro ang game, ang test event ay nangangakong magbibigay ng isang pagsulyap sa mas pinagandang mechanics at kawili-wiling gameplay na meron ang  Tekken 8.

Ang mga kalahok ay makakapagbigay ng mahalagang puna, na magpapalakas sa mga huling yugto ng pag-develop at tutulong sa mga developer na maghatid ng pinakamahusay na gaming experience kapag opisyal nang inilabas ang Tekken 8 sa buong mundo.

Sa CNT na magaganap ngayong buwan, inanunsiyo na ng Bandai Namco ang mga Tekken 8 PC system requirements bilang paghahanda para sa darating na test event.



Tekken 8 PC system requirements para sa Closed Network Test

Bryan Fury on Tekken 8 PC system requirements CNT trailer
Credit: Bandai Namco

Tekken 8 PC system requirements: Minimum system requirements

HARDWAREMODEL
CPU:Intel Core i5-6600 or AMD Ryzen 5 2600
GPU:Nvidia GeForce GTX 970 or AMD Radeon RX 470
System RAM:8 GB
OS:Windows 10 64-bit
Disk Space:20 GB

Tekken 8 PC system requirements: Recommended system requirements

Tekken 8 Law
Screenshot by Ron Muyot?ONE Esports

Sa mga specifications na ito, maaari kang magkaroon ng isang maluwag at magandang gaming experience habang ine-enjoy ang laro.

HARDWAREMODEL
CPU:Intel Core i7-7700K or AMD Ryzen 5 3600
GPU:Nvidia GeForce RTX 2060 or AMD Radeon RX Vega 64
System RAM:16 GB
OS:Windows 10 64-bit
Disk Space:20 GB

Iba pang specifications

  • DirectX Version 12
  • Broadband Internet connection
  • DirectX compatible soundcard or onboard chipset
  • FPS (frame rate/s): Stable at 60 or more
  • Resolution: 1920×1080
  • Setting: LOW/OFF (minimum requirements)
  • Anti-aliasing: OFF (minimum requirements)
  • Setting: HIGH (recommended requirements)

Ang Tekken 8 PC system requirements ay maaaring magdulot ng pangamba para sa iba, ngunit mahalagang kilalanin na karaniwan ay nagpapabuti sa gaming experiences ang mga pag-usbong ng teknolohiya.

Maaari mapanood ang Tekken 8 CNT announcement trailer sa ibaba.



Gaganapin ang Tekken 8 CNT mula July 21, 4:00 p.m. GMT+8 hanggang July 24, 3:00 p.m. GMT+8 sa PlayStation 5 at mula July 28, 4:00 p.m. GMT+8 hanggang July 31, 3:00 p.m. GMT+8 sa PlayStation 5, Xbox Series X|S, at Steam.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: 31-year-old na amang may dalawang full-time jobs at limitadong ensayo tumalo ng pro Tekken god