Pasok sa Final Stage ng Tekken 7 event sa Esports World Championship 2021 (EWC 2021) ng International Esports Federation (IESF) ang pambato ng Pinas at Bacolod pride na si Vermilion.

Maganda ang ipinakita ng Pinoy pro player na si Raphael “Vermilion” Cueva ng GrindSky Esports sa unang araw ng EWC 2021 na kasalukuyang nagaganap sa Eilat, Israel.

Umarangkada ang Visayan Super Saiyan sa kanyang pool kung saan tinalo nya ang lahat nang kanyang nakalaban na mga kinatawan ng mga bansang Israel, Georgia, Namibia, at South Africa.

Tekken7 Vermilion EWC 2021 Match Results
Credit GrindSky

Magpapatuloy si Vermilion sa Final Stage na magkakaroon ng 16-man single elimination bracket na magsisimula bukas, November 17.

Para sa iba pang detalye tungkol sa EWC 2021, maaaring i-check ang official website at Twitch channel ng IESF.