Sa sobrang lakas ng Ares meta ay mabilis itong kumalat sa Valorant matapos ang pagka-release ng patch 4.0.

Ang Valorant Episode 4 Act I patch ay may dalang malaking improvements para sa Ares, bukod sa tinanggal na ang spin-up nito ay pinataas din ang fire rate nito mula sa dating 10 na ngayon ay 13.

Pati ang mga Valorant pros ng North America tulad nina Hunter “SicK” Mims ng Sentinels at Peter “Asuna” Mazuryk ng 100 Thieves ay mas pinipili nang gamitin ang heavy machinegun kaysa sa Phantom o Vandal dahil sa taglay nitong lakas.

Bakit overpowered ang Ares meta sa Valorant?

Valorant Sentinels Of Light Ares
Credit: Riot Games Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Isa sa mga pangunahing rason ay dahil mas bumaba na ang oras na kelangan upang makapatay ito dahil hindi na kelangan ng spin up bago ka makabaril.

Dahil din sa dagdag na fire rate ng weapon na ito ay nabigyan ng pagkakataon ang sino mang gumamit nito na was akin ang mga Phantom at Vandal users gamit ang headshots.

100 Thieves Asuna nanalo sa gun battle laban sa Phantom

Nagawang ma-out damage ni Asuna ang isang Phantom sa close range habang nagro-rotate sa mid-vents sa Split. Hindi mananalo ang Ares sa ganoong laban bago ang patch 4.0.

Na-wallbang si Sentinel SicK sa simula pa lang ng round

Ito ang pinakadelikadong weapon sa ngayon dahil pwedeng i-spam ng mga players ang mga angles. Ang Ares ay may 50-bullet drum at mataas na wall penetration, kaya mabilis para dito ang magpatumba ng mga targets na nagtatago sa likod ng mga walls.

Ang pinakamagandang parte pa ng weapon na ito ay ang presyo. 1,550 credits lamang ito kaya’t kayang-kayang bumili ng mga players ng Ares sa bawat round. Kahit konti lang ang credits ng mga kalaban nina SicK sa kanilang Radiant ranked game, dalawa pa rin sa kanila ang nakabili ng Ares at nagawang i-wallbang ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik champion sa simula ng round.

Sa katunayan, sa ranked games nina Asuna at SicK, halos lahat ay gumagamit ng bagong meta, na sumira sa economy ng game.

Kasama sa paglabas ng Episode 4 Act I ng Valorant ay ang bagong Pinoy agent na si Neon, map changes sa Breeze at Bind, pati na rin ang bagong Battle Pass.

https://youtu.be/SaaMKEAWcFo

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.