Nakahanda na ang entablado para sa mga pinakamahuhusay na koponan sa Asia-Pacific para maglaban-laban sa VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs.

Nakakabilib ang group stage runs ng Paper Rex, XERXIA Esports, at ONIC Esports, kung saan ang tatlong teams ay nanguna sa kani-kanilang groups nang wala maski isang talo. Samantala, patuloy pa rin ang pag-improve ng Bleed eSports na kumuha ng top spot sa Group D.

Pasok din bilang mga runners-up ng kani-kanilang mga groups ang Griffin Esports, Alter Ego, BOOM Esports, at Team Secret, na haharap sa mga top-seeded teams mula sa groups stage.

Kumpletong listahan ng mga qualified teams para sa VCT APAC Stage 2 Challengers playoffs

VCT APAC Stage2 Challengers Playoffs
Credit: PPGL
TEAMMATCH RECORD (W-L)MAP RECORD (W-L)ROUND DIFFERENTIALREGION
ONIC Esports2 — 052 — 23+29Indonesia
XERXIA Esports2 — 055 — 34+21Thailand
Paper Rex2 — 052 — 33+19Malaysia and Singapore
Bleed eSports2 — 059 — 45+14Malaysia and Singapore
Griffin E-Sports2 — 168 — 51+17Hong Kong and Taiwan
Alter Ego2 — 182 — 67+15Indonesia
BOOM Esports2 — 172 — 67+5Indonesia
Team Secret2 — 170 — 52+18Philippines

Narito ang walong qualified teams na nakakuha ng pwesto sa Stage 2 Challengers playoffs na magsisimula sa June 23. Ang top two teams sa playoffs ay makakapasok sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen sa July.

Ang mga teams sa competition ay maglalaro sa isang double-elimination bracket na magsisimula sa upper bracket quarterfinals. Ang mga teams na magkakasama sa parehong group ay pinaghiwalay sa magkabilang bahagi ng bracket.

Ang lahat ng mga matches ay magiging best-of-three series, maliban sa grand finals na magiging best-of-five.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.