Kinapos man ang VCT APAC champions na Paper Rex sa kanilang quarterfinal playoffs match laban sa Korean juggernaut na DRX sa Masters Reykjavik 2022, napakahusay at hindi malilimutan naman ang ipinakita nilang performance.

Lalong-lalo na ang nakakabilib na feast or famine playstyle na ipinamalas ng Reyna ni Paper Rex Jinggg. Sa kasamaang-palad para sa DRX, parang nasa buffet si Wang “Jinggg” Jing Jie.

Ang 18-anyos na duelist ang nagsilbing haligi ng agresibong pagsalakay ng Paper Rex, kung saan tuloy-tuloy at hindi humihinto ang kanilang pagpitas sa kalaban. Ang Dismiss ni Reyna ang tumutulong sa kanya upang makapwesto palayo sa disgrasya, habang pinupuno naman ng Devour ang kanyang health para makayanan niyang muling makipagsabayan sa kalaban.

Paper Rex Jinggg ikalawa pa lang sa mga gumagamit ng Reyna sa Masters Reykjavik

Masters Reykjavik 2022 Paper Rex Jinggg
Credit: Riot Games

Ang double duelist composition ng Southeast Asian team, tampok sina Jett at Reyna, ang naging dahilan ng kanilang fast-paced playstyle na kayang makipagsabayan sa mga duels.

Matagal nang nawala sa pro meta si Reyna, ito ay sa kadahilanang ang siya lang ang nakikinabang sa kanyang mga abilities at hindi ito masyadong nakakatulong sa kanyang team upang mag-setup ng play. Sa Masters Reykjavik, si Reyna ay may kasalukuyang napakababang pick rate na 5 percent, at si Jinggg pa lamang ang ikalawang player na gumamit ng Mexican duelist sa tournament, sunod kay Walney “Jonn” Reis ng Ninjas in Pyjamas.

Ngunit hindi na ito importante basta tumatama ang nga tira mo. Napigilan ni Jinggg ang DRX sa Round 23, kung saan mabilis siyang pumitas ng apat na kalaban upang tulungan ang Paper Rex na kunin ang map 13-10.

Nagsimula nang maghanda ang DRX na salakayin ang C sa pagpasok mula sa Garage at C Long. Naging pabor sa DRX ang unang enkwentro, kung saan napitas ni Kim “Zest” Gi-seok si Aaron “mindfreak” Leonhart sa C Cubby.

Nakakuha pa ng dalawang kills ang DRX, samantalang si Jason “f0rsakeN” Susanto lamang ang sumasagot sa kanila.

Nakasunod sa likod si Jinggg, sa paglabas niya ng Garage ay naitumba niya sina Yu “BuZz” Byung-chul at Goo “Rb” Sang-min. Nang makita niyang sumilip si Zest mula sa C Long ay gumamit siya ng Dismiss at umatras papunta sa likod ng C Box, kung saan nagawa niyang makipag-1v1 kay Kim “MaKo” Myeong-kwan sa back site.

Gumamit naman siya ng Devour upang muling dagdagan ang kanyang health, bago tuluyang harapin si Zest at itumba ito.

Naging napakahalaga ni Jinggg sa depensa ng Paper Rex sa Haven, hindi niya halos binibigyan ng pagkakataon ang Korean team na mag-setup ng play. Nagpakita ng well-coordinated aggression ang Paper Rex, samahan pa ng tuloy-tuloy na pressure sa A Long at Short at mauutak pasok sa tiyempong flanks mula kay mindfreak.

Sabi ni Raze “When Reyna gets started, it’s hard to stop her,” at ipinakita ni Jinggg sa atin kung bakit.

Makikita ang buong schedule para sa Masters Reykjavik 2022 dito. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.