Pinagulong sa Valorant patch 4.04 ang maraming pagbabago sa shooting game ng Riot. Marami mang kapana-panabik na changes, hindi lahat dito ay swabe ang pagkakalatag.
Bukod sa malaking nerfs na bingay kay Astra at Viper, at buffs naman kina Omen at Brimstone, kasama sa patch ang ilang game-breaking bugs na sigurado ay napansin niyo na rin in-game.
Ang bugged spot sa Icebox ay isa sa mga iniinda ng mga players ngayon dahil kapag naparaan ka rito ay mamatay ka mula sa fall damage. Kaya naman kalat na ngayon sa internet ang ilang pagkakataon na ginulantang nito ang mga valorant fans.
Isa lang ang bugged spot sa Icebox sa mahabang listahan ng mga isyu na kailangang ayusin ng Riot. Mula kay astra na nakakabili ng Marshal sa pisto rounds, hanggang sa reworked Yoru na nakakapagtanim ng spike sa Dimensional Drift ultimate, ang Valorant patch 4.04 ay isa sa mga hindi malilimutang updates sa laro.
Mamatay ka sa fall damage kapag pumunta ka sa isang bugged spot sa Icebox
May isang karagdagang pagbabago na inilatag ang Riot sa Icebox kasabay ng overhaul na ginawa sa mapa. May isang invisible force na nakatira ngayon sa unang cubby sa B Green, at papaslangin nito ang sinumang magtatapang na makipagsapalaran dito.
Namamatay ang mga players na napaparoon sa nasabing cubby at nakalista sa kill feed na fall damage ang sanhi nito. Nangyari na ito sa parehong panig, mapa-attacker ka man o defender kaya naman takang-taka ang mga manlalaro kung paano nangyari ito.
Sa ngayon, mas mainam na munang tumakbo deretso ng B green kung gusto nais mong tumagal sa mapa. Sa totoo lang, walang mas nakakatawa sa recorded instance na ito kung saan agresibong nag-pupush si Jett sa B Green pagkatapos ay magpa-plan na lang mag-isa dahil ayun pala ay wala ng buhay.
Lumalabas na hindi lamang ang bugged spot sa Icebox ang problema ng mga players ngayon. Nadiskubre din ng mga gamers na posibleng magtanim ng spike sa hallway sa Kitchen at hindi lamang sa bridge. Astig, ‘di ba?

Pero hindi lang dito natatapos ang kakatawang ganap sa pinakahuling patch. Kapag daw hinulog mo ang spike sa second floor ng B site ay tatalbog daw ito mula sa lapag.
Gayunpaman, mabilis namang inasikaso ng Riot ang Yoru at Astra bugs kaya naman maasahan na gugulong na din ang fix sa bugged spot sa Icebox.
Salin ito sa sulat ni Wanzi Koh.
BASAHIN: Hiko sa Viper nerfs: ‘She can’t be your only controller agent anymore’