Mukhang kakailanganing palitan ng bagong Viper main ng 100 Thieves ang paraan ng kanyang paggamit sa American chemist. Iniisip ni Spencer “Hiko” Martin na hindi nya na kayang punan ang kanyang role bilang stand alone controller o smoke agent, matapos ang mga Viper nerfs sa Valorant patch 4.04.

Kailangan na ni Viper ng isa pang controller agent na makakasama, kahit sa mga maps tulad ng Breeze, ayon sa 31 anyos na pro habang sinusuri ang mga pagbabago sa kanyang stream.


Ano ang mga pagbabago kay Viper sa Valorant patch 4.04?

Valorant Retake Episode 2 Cinematic Viper Screenshot
Credit: Riot Games

Matapos ang mga nakaraang buffs kay Viper, at ang pagdagdag ng mga bagong maps na Fracture at Breeze, naging best-in-class na sentinel at controller na si Viper, kung kaya’t kaya nyang gampanan ang role ng dalawang agents. Bilang nag-iisang controller na kayang pumutol ng multiple line of sight gamit lamang ang kanyang Toxic Screen, naging top pick din sya sa Icebox bago ang nangyaring rework.

Ngunit matapos ang mga bagong Viper nerfs, naniniwala si Hiko na hindi nya na kayang gampanan ang mga dual roles na ‘yon. Dahil sa mas mataas na fuel drain pag parehong active ang Toxic Screen at Poison Cloud, mapipilitan syang mamili sa dalawa, kaya’t hindi sya ganun kaepektibo ang kayang pagbara ng multiple lines of sight tulad ng dati.

Kakailanganin ng mga teams na bigyan ang kanilang Viper ng isa pang sentinel o controller, na maaaring bumago ng mga sikat na agent composition sa maraming maps.

Narito ang lahat nang pagbabago sa patch 4.04:

Fuel ni Viper

  • Dagdag na 50% sa fuel drain kapag parehong active ang Toxic Screen at Poison Cloud
  • Nagiging pula na ang fuel bar ni Viper kapag wala syang sapat na fuel upang ma-activate ang kanyang abilities

Toxic Screen at Poison Cloud

  • Dagdag na cooldown pagkatapos i-deactivate ang kanyang smokes na dating 6s, ngayon ay 8s na
  • Nagsisimula ang cooldown timer kapag tuluyan nang nawala ang smoke, imbis na kapag sinimulan itong i-deactivate
  • Nabawasan ang deactivation delay na dating 1s, ngayon ay 0.8s na
  • Ang Toxic Screen at Poison Cloud ay meron nang dilaw na ilaw bilang palatandaan na sila ay cooldown pa
  • Natanggal ang delay sa pag disable ng Toxic Screen at Poison Cloud kapag na-suppress si Viper
  • Bagong VO line na nagpe-play kapag na-disable ng suppress ang kanyang smoke

Snake Bite

  • Nabawasan ang duration na dating 6.5s, ngayon ay 5.5s na

Umaasa si Hiko na makakita ng mas maraming controller agents sa meta matapos ang Viper nerfs

Valorant 100 Thieves Hiko at VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Maaaring maging mas karaniwan ang double controller composition sa bagong meta. Ginagawa na ito ng ibang teams sa mga maps na tulad ng Bind, kung saan ginagamit pareho sina Viper at Astra, at naniniwala si Hiko na hindi magtatagal ay ipapares na din ang ibang controllers kay Viper.

“I think we’ll see Omen and Brimstone on Breeze,” sabi ni Hiko. “I don’t think you can get away with just having a solo Viper as your controller player anymore.” Nakatanggap ng buffs sina Omen at Brimstone sa Valorant patch 4.04, kung kaya’t may magandang dahilan upang asahan silang bumalik sa pro meta.

Viable pa rin naman ang Snake Bite ni Viper bilang post-plant molly na kayang mag-secure ng round sa pagpapalayo ng mga defenders sa spike. Ang kaunting bawas sa duration ng Snake Bite ay magbibigay sa mga defenders ng mas maraming oras upang ma-defuse ang spike, ngunit nagbibigay pa rin ito ng sapat na damage upang patayin ang mga kalaban na mananatili dito. Tulad ng dati, Kinakailangan lang ng mga Viper mains na siguruhing sabayan ang Snake Bite ng Poison Cloud.

Sa kabila nito, malaki ang pangkabuuang epekto ng mga pagbabagong ito kay Viper, at nagdududa na rin si Hiko tungkol sa kanyang lagay sa meta.

“I don’t even know if Viper is going to be that good on Breeze,” sabi nya. “Even on a map like Split, to not be able to wall and bubble at the same time changes timings a lot.”

Hindi lang si Viper ang nakatanggap ng hagupit sa Valorant patch 43.04. Si Astra, na isa pang paborito sa pro meta, ay nakatanggap din ng mabigat na nerf.

Mababasa ang full notes ng Valorant patch 4.04 dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.