Tuloy-tuloy ang Pinoy fever sa Valorant matapos lumabas ang bagong agent na si Neon.

Si Neon ang kauna-unahang Filipino duelist sa game at tinawag na “the fastest agent in Valorant” ng Riot Games. Binosesan sya ng Filipina voice actress na si Vanille Velasquez, na unang lumabas sa kanyang cinematic na punong-puno ng Pinoy references.

Ang pagdating ni Neon ay kasabay rin ng paglabas ng mga bago at sariwang voice lines at interactions sa ibang agents. Kabilang sa mga ito ay ang paparating na Viper voice line na kung saan maririnig na nagustuhan nya ang isang putahe na nagmula sa Pilipinas, ang bansang pinagmulan ni Neon.

Maririnig sa Viper voice line na nagustuhan nya ang adobo

Valorant Viper Voice Lines Adobo Dish
Credit: Riot Games, Eiliv Aceron

Parating na ang mga bagong voice lines sa Valorant patch 4.02 na maririnig mula sa data-mined content ni Cynprel. Kabilang dito ang isang special Viper voice line na nakikipag-usap kay Neon, kung saan pinag-uusapan nila ang adobo.

“Neon? What was that meal you made earlier? It was good,” sabi ni Viper sa duelist.

“Oh, my nanay’s (mom’s) adobo? You’re, uh, welcome,” sagot naman nya sa American agent.

Ang adobo, na nagmula sa Spanish word na “adobar,” ay nangangahulugang “vinegar-braised.” Ito ay isang putaheng Pinoy na may karne, seafood, gulay, na sinasamahan ng bawang, toyo, at suka.

Kabilang din sa mga paparating na voice lines ng patch 4.02 ay ang pakikipag-usap ni Neon kina Raze at Killjoy. Nabanggit sa mga vopice lines na ito ang sikat na Filipino expression na “di bale na”.

Mapapakinggan ng mga fans ang lahat nang patch 4.02 voice lines at interactions sa YouTube channel ni Cynprel.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.