Ang Ghanaian controller na si Astra ay gumagamit ng kapangyarihan ng cosmos sa labanan. Subalit maaaring masyado syang malakas, at sa palagay ng mga pros ay kailangan itong baguhin.

Sa kanyang kakayahang maglapag ng global smokes at mag-stun o humila ng mga kalaban saan man sa mapa, malaki ang maaaring maging impluwensya ni Astra sa kalalabasan ng gameplay saan man sya nakapwesto. Hindi rin pwedeng masira ang kanyang mga stars, kung kaya’t epektibo syang pabagalin o kontrahin ang mga mabilisang push ng kalaban.

Mula nang ipakilala sya noong March, unti-unti syang nakapasok sa pro meta, at may ilangt mga pro players na hindi masaya sa impact na meron sya sa game.


Paniwala ng mga pro players na kailangang i-balance si Astra

Valorant FNS Dapr Astra Tweet
Screenshot by Koh Wanzi

“Astra ruined Valorant,” ayon sa tweet ni Pujan “FNS” Mehta ng OpTic Gaming. Nagbigay rin ng opinyon si Michael “dapr” Gulino ng Sentinels, at sinabing walang counter-play sa Gravity Well ni Astra, na humihila sa mga players sa gitna nito bago sumabog at magbigay ng debuff.

pang malabanan si Astra

Upang malabanan si Astra, kailangan magkaroon ng matinding game plan para ma-bait out ang kanyang utility, ayon kay dapr, isang senyales na mukhang kailangan nga ng Ghanaian agent ng balancing.

Valorant Yay Astra
Screenshot by Koh Wanzi

Angat si Astra kumpara sa ibang controllers tulad nina Omen at Brimstone, ang Dark Cover ni Brimstone ay may travel delay, habang limitado naman si Brimstone ng range ng kanyang Sky Smokes. Sa kabilang banda, ang Nebula Smokes ni Astra ay maaaring ilapag saan man sa buong mapa, at instant din silang magbigay ng cover.

Sinabi rin ng Sentinels in-game leader na si Shahzeb “ShahZaM” Khan na nakakasira ng viewer experience si Astra dahil sa kung paano nya pinapabagal ang bawat round. Kapag kalaban ang cosmic controller, madalas ay napipilitan ang mga teams na maghintay ng 30 seconds upang maubos ang kanyang utility bago magsagawa ng push.

Maari syang magbitaw ng Nova Pulse at Gravity Well nasaan man sya, kung kaya’t kaya nyang pigilan ang mga aggressive rushes mula sa anumang parte ng mapa. Nagiging mas epektibo rin ito sa pag-hold ng site kumpara sa ibang abilities mula sa mga sentinel agents, tulad ng Slow Orb ni Sage o Nanoswarm ni Killjoy, dahil kinakailangan na nasa area sila para magawa ang mga abilities na ‘to.

Kapag nalaman ng Astra player na maraming kalaban na magkakasama sa isang choke point, kaya nyang maglagay agad ng stun o pull mula sa ibang lugar para i-delay ang push, o gumawa ng opportunity upang masugod ng kanyang team ang mga kalaban.

Maaari itong samahan ng mga abilities tulad ng Paint Shell grenades ni Raze o Nanoswarm ni Killjoy para sa mas devastating ang effect.

Ang kanyang mga stars ay maaring mailapag at ma-activate agad-agad, kaya’t hindi nya na kailangang umasa sa pag-predict ng play ng kalaban. Bukod pa dito, madali rin syang gamitin at hindi rin nya kailangang matutunan ang anumang lineups.

Dahil dito, kailangan nya ng constant communication sa kanyang team upang ma-maximize ang kanyang impact, kaya mukhang hindi sya ganoon ka-overpowered sa mga regular competitive matches, lalo na sa mga lower ranks.

Pero hindi mawawala ang communication pagdating sa competitive play, kung kaya’t oppressive ang tingin ng marami sa kanya.


Paano i-fix si Astra sa Valorant

Valorant Vanity Astra
Screenshot by Koh Wanzi

Ang buong theme ni Astra ay nakabase sa galaxy at cosmos, kung kaya’t natural lang na kaya nyang maglapag ng mga smokes, stuns, at pulls saan man sa mapa. Subalit may ibang nag-suggest na tanggalin mula sa controller na ito ang kanyang ability na bawiin ang mga stars, para mapwersa syang pag-isipang mabuti kung saan nya ilalapag ang mga ito.

Sa pagbabagong ito, magiging kapantay nya ang ibang agents tulad nina Omen at brimstone, na parehong hindi pwedeng ilipat ang pwesto ng mga binitawan nilang smokes.

Isa pang alternatibo ay ang pagdagdag ng delay bago nya magamit ang Nova Pulse at Gravity Well matapos nyang maglapag ng star, para mapilitan din syang magh-predict ng mga plays sa halip na mag-react lang.

Ayon sa Cloud9 in-game leader na si Anthony “vanity” Malaspina, hindi na dapat bigyan si Astra ng fake some kapag binabawi nya ang kanyang stars, dapat ay meron din lang syang isang Nova Pulse at Gravity Well sa bawat round. Sa ngayon ang kailangan nya lang bilhin ay mga stars, at ang kanyang mga abilities ay nakasalalay lang sa cooldown.

Ngunit sa dahil pangakong agent balance update ng nalalapit na Episode 4 Act II, maaaring inaaksyunan na ng Riot ang issue.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.