Nalagay sa hot seat ang resident tech expert ng Valorant na si Killjoy matapos niyang ma-link sa non-fungible tokens o NFTs.

Pagkatapos ng release ng Pinoy duelist na si Neon, inilunsad ng Riot Games ang isang social media campaign kung saan dinala nila ang fans sa buhay ng mga paborito nilang Valorant agents. Iba’t-ibang agent ang nag-take over sa opisyal na Valorant Twitter account.

Tampok sa parte ni Skye sa tour ang kanyang trip to Vietnam habang pinakita naman ni Killjoy ang kanyang buhay sa hometown niya na Berlin. Mahilig ang German agent sa League of Legends, pagpunta sa cafes, pagkain ng kebabs at pagsilip sa NFTs.

Ilang fans ang hindi natuwa na nai-involve ang kanilang minamahal na tech genius sa mga right-clickable images na daang-libong dolyar ang presyo. Agad naman tinanggal ang tweet patungkol dito.

Naglabas pa nga ang Riot Games ng isang official statement para linawin ang isyu at sinabing ‘di nila ginusto na i-associate ang Valorant agent o ang kanyang hobbies at interests sa kontrobersyal na NFTs.


Paano na-link si Killjoy sa NFTs?

Credit: Riot Games

Ipinakita ang German robotics expert na hinahangaan ang pyesang gawa ni Martin Houra, isang artist na binibenta ang kanyang mga obra bilang NFTs sa Ethereum blockchain.

“Do you actually know Creative Code? Programming creates art, I love it! Here is one of my favorite pieces by @martinhoura,” sabi ng tweet sa German kung saan ini-imply na si Killjoy ay aware na ang pyesa ay ginawa sa pamamagitan ng programming.

Agad itong umani ng reaksyon mula sa Valorant community, at isang Twitter user pa nga ang nagsabi na out-of-character para sa isang “smart and tech-savvy” tulad ni Killjoy ang magkaroon ng interes sa tinatawag ng ilan na isang malaking pyramid scheme.

Credit: Riot Games

Na-take down ang tweet nang wala pang isang oras, at nagbigay ng paliwanag ang Riot Games dito noong ika-28 ng Enero.

“We were not aware that the selected work was a non-fungible token. In no way did we intend to include NFTs as part of Killjoy’s work and hobbies,” clarified Riot Games.


Bakit may bad reputation ang NFTs sa gaming community?

Credit: Getty Images

Mabilis na dumistansya ang Riot Games mula sa NFTs na nali-link sila opportunistic get-rich-quick schemes at money laundering, at mayroong masamang reputasyon dahil sa kakulangan ng malinaw at praktikal na paggamit.

Nasa gitna rin ang NFTs ng ilang public relations disasters tulad na lang ng misguided attempts ng Ubisoft na sumabay sa trend sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang Ghost Recon Breakpoint NFT hat sa mga developer nito sa isang workshop na ginawa para i-address ang concerns ng mga skeptical employees.

Maraming celebrity at streamer tulad nila Jimmy Fallon at Steven “Destiny” Bonnel ang napuna dahil sa pag-advertise ng digital works of art sa kani-kani-lang media platforms. At pagkatpos ianunsyo ng G2 Esports ng sarili nitong digital collectibles drop na umani ng kritisismo fans nito, ‘di kataka-taka kung bakit ayaw ng Riot na-associate sa NFTs.

Gayunpaman, patuloy na ibinibida ng mga proponent ng non-fungible tokens ang abilidad ng blockchain na patunayan ang pagkakaroon ng exclusive ownership at originality.

Maaari silang ituring na rare collectibles na pwedeng tumaas ang presyo nang matindi sa paglipas ng panahon. Ayun nga lang, kahit sino ay pwedeng i-right click at i-save ang public image na konektado sa isang NFT.


Basahin ang orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.