Masaya ang naging pagbisita ng Aussie conservationist ng Valorant na si Skye sa Southeast Asian country na Vietnam.

Matapos ipakilala ang pinakabagong Filipino agent na si Neon, ni-launch naman ng Riot Games ang isang social media campaign na nagpapakita ng mas malalim na pagtingin sa buhay ng mga paborito nating agents. Kung iyong mamarapatin, pwede itong tawagin na Valorant world tour.

Tampok sa isa sa mga stop ang initiator agent na si Skye sa kanyang trip to Vietnam. Makikita sa opisyal na Facebook page ang kanyang bakasyon maging ang paglalakbay ng mga kapwa niya agent.


Ang mga pamosong landmark na binisita ni Skye sa Vietnam

Pagkatapos nila Reyna, Sova at Chamber, pinakita naman ng tour ang paglalakbay ni Skye sa mga kilalang lugar sa Vietnam.

Notre Dame Cathedral Basilica of Saigon

Skye sa Notre Dame Cathedral Basilica of Saigon
Credit: Riot Games

Nagsimula ang Vietnam trip ni Skye sa southern region ng bansa kung saan matatagpuan ang sikat na Notre Dame Cathedral sa Ho Chi Minh City.

Gumawa ng headlines ang cathedral noong 2015 dahil sa pag-iyak umano ng Virgin Mary statue sa labas nito. Libo-libo ang bumisita sa simbahan noong panahon na ‘yon at isang bakas ng luha ang nanatili sa kanang pisngi ng estatwa sa loob ng mahigit isang linggo.


Hoi An Bridge Pagoda

Credit: Riot Games

Nagpatuloy si Skye pa-hilaga, patungo sa Hoi An Bridge Pagoda (Chùa Cầu). Kilala bilang isang footbridge na itinayo ng mga Hapon noong 17th century, ang Bridge Pagoda ay matatagpuan sa Hoi An sa probinsya ng Quang Nam. Sikat ang lugar sa mga turista dahil sa street food nito.


Bana Hills Hand Bridge

Credit: Riot Games

Sunod na nagpunta si Skye sa Bana Hills Hand Bridge na kilala rin bilang The Golden Bridge (Cầu Vàng), malapit sa Da Nang. Iconic ang tulay na ito dahil sa disenyo nito na dalawang higanteng kamay na sumusuporta sa malaking istruktura.


Temple of Literature at Turtle Tower

Ang mga huling destinasyon ni Skye ay makikita sa Hanoi, ang capital city ng Vietnam. Isang fan ng academics, binisita ng Australian nature-lover ang Temple of Literature, ang unang national university ng bansa.

Sunod niyang binisita ang Turtle Tower (Tháp Rùa) na nasa gitna ng Hoan Kiem Lake, ang puso ng Hanoi. Itinayo ang tore bilang pag-alala sa buhay ng maalamat na Vietnamese warrior na si Le Loi.

Credit: Riot Games

Ipinagdiwang ng Australian Valorant agent ang Vietnamese New Year sa pamamagitan ng pagkain ng traditional dishes tulad ng Bánh Trưng, Nem Rán at Thịt Kho Trứng. Naghagis pa nga siya ng kanyang Guiding Light flash para sabayan ang New Year’s Eve fireworks!

Panoorin ang iba pang Valorant agent features sa opisyal na Facebook page ng Riot Games.

Para naman sa mga balita, guides at highlights patungkol sa Valorant, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Basahin ang orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.