Ni-recruit ng North American esports organization na 100 Thieves sina Adam “ec1s” Eccles at Hunter “BabyJ” Schline upang kumpletuhin ang Valorant roster nito para sa paparating na VCT 2022 season.
Sasamahan nila ec1s at BabyJ sina Ethan “nahtE” Arnold, Spencer “Hiko” Martin at Peter “Asuna” Mazuryk na handa nang makipagsagupaan sa VCT NA Open Qualifiers na nakatakda sa ika-27 ng Enero.
100 Thieves kinuha sina ec1s at BabyJ, magde-debut sa VCT 2022 NA Challengers 1 OQ

Nagsagawa ng trials ang koponan para sa mga bakanteng posisyon sa kanilang roster at napagdesisyunan nilang i-sign sina ec1s at BabyJ. Si ec1s ay dating IGL (in-game leader) ng Team Liquid samantalang si BabyJ naman ay dating miyembro ng FaZe Clan.
Parte si ec1s ng European Valorant squad na fish123 na kalauna’y kinuha ng Team Liquid noong 2020. Huling naglaro ang 21-year-old British player para sa Ninjas in Pyjamas (NiP) sa dulo ng 2021 bago pumirma ng kontra sa 100 Thieves bilang bagong IGL nila.
Si BabyJ naman ay kinuha ng FaZe Clan matapos umalis ng isa nilang key player na si Jimmy “Marved” Nguyen, na sumali sa Team Envy noong huling parte ng VCT 2021 season. Nasa rebuilding phase pa sa ngayon ang Valorant roster ng FaZe Clan kaya naman nakapasok ang 23-year-old American pro sa 100T.
Ang bagong Valorant roster ng 100 Thieves
- Spencer “Hiko” Martin
- Peter “Asuna” Mazuryk
- Ethan “Ethan” Arnold
- Hunter “BabyJ” Schline
- Adam “ec1s” Eccles (IGL)
Malalaman ng 100 Thieves fans kung swak ba sa koponan sina ec1s at BabyJ sa VCT North America Challengers 1 Open Qualifiers na gaganapin sa ika-27 ng Enero.
Ang kampanya ng 100 Thieves sa VCT 2021 season

Pinatunayan ng 100 Thieves na isa sila sa mga top contender sa North America matapos talunin ang TSM, 3-1, para pagharian ang First Strike event ng Riot Games sa dulo ng 2020.
Pagkatapos nito, nag-init ang stacked Valorant roster ng koponan–na pinagbibidahan ng Counter-Strike veterans na sina Hiko, Joshua “steel” Nissan at Nicholas “nitr0” Cannella–sa Stage 3 ng VCT 2021. Nakaabot sila sa semifinals ng Masters Berlin ngunit pinatumba ng kapwa North American squad na Team Envy, 0-2.
Bago magsimula ang VCT NA Last Chance Qualifier para sa Valorant Champions 2021, napagdesisyunan ng 100T na i-bench muna si steel at kuhain si Aaron “b0i” Thao. Nagtapos ang season ng 100T nang matalos sila kontra Cloud9, 1-2, sa lower bracket final.
Matapos pumalyang makapasok sa Valorant Champions, lumipat ang dati nilang IGL na si steel sa T1. Samantala, nagpasya naman si nitr0 na bumalik sa CS:GO at sumali muli sa Team Liquid.
Salin ito ng artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.