Naniniwala si 100 Thieves Valorant pro player Peter “Asuna” Mazuryk na hindi magandang agent si Neon sa kasalukuyang patch 4.0 meta.

Nasaksihan nating gamitin ng napakaraming top-tier players ang bagong Filipino duelist sa kani-kanilang stream nang i-release ng Riot Games ang Valorant Episode 4 Act 1 noong ika-11 ng Enero.

Matapos gamitin ang naturang agent sa ilang ranked match, napagtanto ni Asuna na hindi kasing ganda ng iba pang duelist sa Valorant si Neon.


Para kay Asuna, hindi maganda ang bagong Valorant agent na si Neon

Asuna ng 100 Thieves
Credit: 100 Thieves

Isa si Asuna sa mga unang pro player na nag-stream ng kanyang ranked games habang nilalaro si Neon noong ni-release ang Episode 4 Act 1.

Pinaliwanag ng 18-year-old pro ng 100 Thieves na ang High Gear combat slide niya ay hindi kagandahan na ability dahil pinupwersa siya nito na laging umabante. Hindi niya kayang mag-combat slide habang gumagalaw nang patagilid, na nililimitahan ang kanyang kakayahan na makatakas.

Sa huling laro ni Asuna sa kanyang stream, napansin niyang mahirap mag-enjoy sa paglalaro ng bagong agent.

“I’m just done with Neon. This doesn’t feel fun (Tapos na ko kay Neon. Hindi masaya ‘to),” paliwanag niya.

“I’ve come to the conclusion that Neon is awful. After playing a few games with her, she’s just bad (Napagtanto ko na hindi magandang agent si Neon. Pagkatapos maglaro ng ilang games gamit siya, ang sama niya laruin).”

Naniniwala si Asuna na kailangan ng Pinoy duelist ang tulong ng mga initiator tulad ni Breach. Kailangan niyang tumakbo papalapit sa isang na-stun o na-flash na kalaban para magamit ang kanyang buong potensyal, dahil nagiging predictable siya ‘pag sumusugod nang mag-isa.

Pinaliwanag din ng team captain ng 100 Thieves na si Spencer “Hiko” Martin na hindi epektibo si Neon sa lahat ng mapa.

Liyamado siya sa Haven dahil maraming corners dito na pwedeng-pwede siya makapag-slide at kaya niyang makapag-rotate nang mabilis dito. Madali siyang target sa mga malalawak at bukas na mapa tulad ng Breeze.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita, guides at highlights patungkol sa Valorant.


Ito’y pagsasalin ng orihinal na akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.