May magandang balita para sa mga Cypher at Phoenix mains diyan!
Kinumpirma ng Valorant developers na nilalatag na ang Cypher at Phoenix buffs at changes sa isang Reddit AMA kamakailan. Inaasahang tutulungan ng mga ito na mas maging viable ang dalawang agent sa kasalukuyang meta.
‘Di masyadong nakatanggap ng buffs ang mga nabanggit na agent sa mga nakalipas na buwan. Kaya naman sila ang may pinakamababang pick rate sa lahat ng agents sa kanilang class.
Si Cypher ay may 13 percent pick rate lamang sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022 na pinakamababa sa lahat ng sentinel agents. Mas mababa naman ang kay Phoenix dahil bukod sa hindi siya pinili sa torneo sa Iceland, mababa pa sa 9 percent ang pick rate niya sa huling 30 araw ng ranked games.
On the way na ang Cypher at Phoenix buffs

Kitang-kita na liyamado ang ibang agents sa Moroccan sentinel at British duelist pagdating sa kani-kanilang role.
Mas epektibo sa pagbabantay ng sites at pag-abang ng flanks sina Killjoy at Chamber kaysa kay Cypher habang si Phoenix naman ay walang natatanging utility na tutulungan siyang mag-stand out laban sa ibang duelists.
Ang Curveball flash niya ang isa sa pinakapangit sa laro dahil sa trajectory nito na madaling i-predict samantalanag ang Blaze wall at Hot Hands molly niya ay madaling palitan ng katulad na utility mula sa iba pang duelist at controller agents.

“Upfront, yes we are working on Phoenix, but it is too early for us to talk about details of what it may entail. Right now we want to take the time to explore everything from number tweaks to something more,” sabi ni John Goscicki, Character Producer sa Valorant.
“Unfortunately, we do not have a solid ETA on that, and we want to take the time to find the right long-term place for Phoenix.”
Nasa parehong sitwasyon si Cypher, ayon kay Jay Watford na Agent Designer sa Valorant. Hindi pa handa ang team na magbahagi ng detalye ukol sa timeline ng gagawing changes, pero nasa proseso na ang pag-alam kung paano ire-rework ang masked spy.
Para malaman ang mga update patungkol kila Cypher at Phoenix, pwede niyong basahin ang kabuuan ng Reddit AMA dito.
Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.
Salin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.