Bitbit ng Valorant Episode 4 Act II Battle Pass ang tatlong bagong skin lines–ang Striker, Lycan’s Bane at ang nakakahalinang Divine Swine.
Tampok ang nakakaakit na si Theo the Pig, na lumabas na rin sa isang player card kung saan pinapakita siyang lumilipad papalyo sa Ascent, ang Divine Swine na marahil ang pinaka-cute na weapon skins sa Valorant sa kasalukuyan.
Ano ang kwento sa likod ng Divine Swine skin sa bagong Valorant Battle Pass?

Pagdating sa best weapon skins mula sa mga nakalipas na Battle Pass, dalawang skin line ang agad na sumasagi sa taing mga isip–ang Ruin at Velocity. Tinatampok ng Ruin melee ang isang swabeng design na kahalintulad ng Valyrian steel dagger sa Game of Thrones habang dinala naman ng Velocity ang kauna-unahang Karambit melee sa isang Battle Pass.
Kasalungat naman nito ang Divine Swine. Hindi ito cool o edgy, pero kaya ito espesyal ay dahil ito ang unang troll skin na makukuha natin mula sa isang Battle Pass.
Kaya naman naalala natin ang Elderflame set na pinukaw ang pag-iisip ng fans kung ano ba talaga ang trigger nito. Ang Gravitational Uranium Neuroblaster ay may Baton melee na may kakaibang itsura habang ang Nerf-inspired BlastX ay mayroong cheeky finisher na binabalot ang mga kalaban sa isang Christmas gift box.
Ang Divine Swine ay may cute at bilog na baboy na lumilipad sa langit. Ang kwento pala nito ay nagsimula sa isang misinterpretation ng isa sa mga Riot interns na naatasang gumawa ng pink-themed skin, ayon sa associate producer ng Riot Games na si Laura Baltzer.
Ang pinakamagandang parte nito ay pwede mong i-equip ang skin sa Judge, ang pinaka-tilting na baril sa Valorant. At wala na sigurong mas nakakaasar pa ‘pag napatay ka ng isang shotgun na may baboy. Bukod pa rito, may weapon skin animation ito na nagpapakita ng mas marami pang baboy na lumilipad.
Available ang Valorant Episode 4 Act II Battle Pass mula ika-2 ng Marso. Kung pagbabasehan ang nakaraang Battle Pass, ang mga players ay may 10 weeks para i-unlock ang lahat ng items.
Dala rin ng Act II ang Gaia’s Vengence skin bundle kasama ang pinakahihintay na Yoru rework.
Mababasa dito ang orihinal na artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.