Sa wakas ay malapit ng gumulong ang Yoru rework na pinakahihintay nating lahat. Noong unang lumabas ang Japanese duelist sa Valorant noong January 2021, inasahan ng marami na ang kaniyang deception-based kit ang yayanig sa laro dahil sa abilidad niyang linlangin ang mga kalaban papunta sa kills.

Gayunpaman, hindi ito ang naging konsensu ng mga Yoru players. Napakarami daw sound cues. Ang fake footsteps niya ay hindi raw masyadong epektibo at malaking window of vulnerability ang mayroon kapag gagamit siya ng kaniyang teleport ability. Binigyan man ng buff sa kaniyang Blindside flash at Gatecrash teleport sa patch 2.06, nanatiling mababa ang pick rate ng agent sa parehong ranked at pro matches.

Para tugunan ito, inanunsyo ng Riot Games ang plano nilang ilatag ang kumpletong Yoru rework noong nakaraang Disyembre sampu ng malalaking pagbabago sa kaniyang abilidad na linlangin at guluhin ang mga kalaban. Sa pinakahuling tala sa State of the Agents blog, mas nagibyang linaw ang mga miron tungkol sa mga detalyeng dapat antabayanan gayundin ang release date nito. Darating ang Yoru Rework sa Episode 4 Act II, at mas swabe ngayon ang kaniyang datingan.


Anong mga pagbabago ang mayroon sa Yoru rework?

Maganda ang track record ng Riot sa pagbabalanse ng mga agents para dalhin sila sa pinakahuling meta. Magandang halimbawa dito ang pinagulong nilang Viper buffs noong nakaraang taon kung saan naging isa sa pinakamalakas na controller ang agent sa laro lalo na sa mga mapa gaya ng Breeze, Icebox at Bind.

Inaasahang malaki rin ang maitutulong ng mga pagbabago kay Yoru para makapasok sa meta lalo na kung bibigyan siya ng versatility at mas malaking play-making potential sa kaniyang kit.


Dimensional Drift

Heto ang pinakamalaking pagbabago sa kit ng agent kapag naging live ang Yoru rework. Ilan sa mga changes dito ay:

  • Hindi na marereveal si Yoru sa kalaban
  • Mai-cacast n ani Yoru ang kaniyang utility habang nasa Dimensional Drift
  • Maririnig na ng kalaban ang mga yapak ni Yoru
  • Inalis na ang nearsight
  • Tinaasan ng bahagya ang unequip delay time
  • Diangdagan ng cast delay kapag nag-cacast ng Dimensional Drift para maiwasang ang invulnerability frame on cast.

Dahil sa Yoru rework sa ability, mas maraming magagawa ang ultimate ng agent ngayon kumpara sa dati. Mas maganda rin ang posisyon ng agent na makatulong sa kaniyang mga kakampi na mag-set ng play gamit ang kaniyang abilidad na mag-flash, i-push ang kalaban sa off angles at mag-set down ng teleport. At ngayong may full vision na siya ng site, mas maraming impormasyon din ang kaniyang makakalap tungkol sa enemy backlines.

Gumawa rin ang Riot ng mga hakbang para ayusin ang kaniyang  “unintended play patterns that have shown up in-game”. Ang mas mahabang unequip time ay nangangahulugan na hindi na maaring masorpresa ang mga kalaban gamit ang Shorty pagkatapos mag-exit sa ultimate.

Kaalinsabay nito, maiiwasan na din ng cast delay ang mga pagkakataong tumatakbo-takbo ang player suot ang mask ni Yoru para lamang ma-jam ito  “on at the first sight of danger”.


Fakeout

Sa halip na red footsteps, carbon copy ni Yoru ang magpapakita kapag ginamit ang Fakeout ability. Aangat ito paharap at sasabog para i-debuff ang mga kalaban.

Bagamat astig na ang pagbabagong ito, may kasama pang twist sa ability na ito paparating na Yoru rework. Kapag nabaril ang carbon copy, haharap ito sa direksyon ng player na bumaril at mag-flaflash papunta sa kaniya sa “conal direction”. ‘Di gaya ng kaniyang regular na Blindside ability, mas makitid ang area of effect ng flash kaya naman hindi masyadong apektado ang mga kakampi o mga kalaban sa likod.

Ibig sabihin nito, mas epektibong decoy ability na ngayon ang Fakeout. Hindi katulad ng dating mga footsteps, mas magagawa nitong iligaw ang atensyon ng mga kalaban.

Para masiguradong hindi malilito ang mga kakampi sa decoy ni Yoru, ibang character design ang makikita nila.


Gatecrash

Isa pa sa kapanapanabik na masasaksihan sa Yoru rework ang Gatecrash ability. May abilidad na itong babaan ang range kung saan makikita o maririnig ng kalaban ang tether, bukod sa mas mabilis ito ng 20% ngayon. Magagawa na rin ni Yoru na mag-trigger ng fake teleport na mag-plaplay ng parehong audio at visual cues tulad ng totoong teleport.

Mula pa noong huling update dito, nagdagdag ang Riot ng bagong “puddle” visual na naiiwan pagkatapos ng isang fake teleport. Tinutulungan ito ang mga kalaban na makumpirma kung ang totoong Yoru ay nasa paligid o kung ito ba ay isa lamang misdirection.

Kahit pa ang layunin ng fake teleport ay makagawa ng pagkalito sa totoong lokasyon ni Yoru, gusto pa rin ng Riot na maintindihan ng mga players ang naganap sa lokasyon ng fake teleport.


Nakapako na sa Episode 4 Act II ang release ng Yoru rework

Opisyal na mailalatag ang Yoru rework sa Episode 4 Act II ng Valorant na inaasahang magsisimula sa March 1.

Malaki ang tiyansa na maging viable agent sa meta ang mga updates sa  interdimensional duelist. “Yoru can now see the battlefield unhindered, allowing him to enter enemy zones, take in the state of the map, and mastermind a play,” ani ng Riot.

Mapunta man ang agent sa meta o hindi,  kinakailangan ng agent ang rework na ito para mabigyan niya ng patunay ang kaniyang titulo bilang isang master of deception.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: Kaya mo bang pangalanan ang 5 famous landmarks na binisita ni Skye sa kanyang trip to Vietnam?