Sa unang pagkakataon sa Valorant esports, ang mga Chinese teams ay nakikipaglaban upang makapasok sa Valorant Champons.

Ang Edward Gaming at ang KONE eSports Club ang mga unang Chinese teams na nakadalo sa isang opisyal na VCT event, dahil nakapasok sila sa East Asia Last Chance Qualifier na gaganapin sa August.

Sila ang mga top two squads sa FGC Valorant Invitational: Act 3, kung saan tinalo nila ang Tales of Eastern at FunPlus Phoenix ZHUQUE, na nagbigay sa kanila ng sapat na puntos upang maikasa ang kanilang mga pwesto sa LCQ.

Noong nakaraang taon, ang APAC LCQ slots para sa mga Chinese teams ay nailipat sa Korea at Japan.


Edward Gaming at KONE makikipagglaban para sa isang spot sa Valorant Champions

VCT China East Asia LCQ
Credit: Riot Games, ONE Esports

Ang EDG ay naging aktibo sa Chinese Valorant mula pa noong late 2020, kaya’t isa sila sa mga longest-standing rosters sa rehiyon.

Bagama’t nahihirapan ang EDG makakuha ng tagumpay, ang pagsama nina Wan “CHICHOO” Shun Zhi, Wang “nobody” Sen Xu, and Zheng “ZmjjKK” Yong Kang sa team ang naging susi upang sila’y maging isang malakas at dapat katakutan na koponan.

Si ZmjjKK, na halimaw sa kanyang paggamit ng Chamber at Raze, ang explosive factor na kinailangan ng team. Sa nakaraang FGC Valorant Invitational: Act 3, siya ang nangunguna sa tuktok ng leaderboard na may kamangha-manghang 301.8 Average Combat Score (ACS) at 1.43 K/D.

Ang KONE naman ay binubuo ng mga core ng dating Suning Gaming roster, matapos lisanin ng organisasyon ang Valorant noong kalagitnaan ng 2021. Sina Yi “Ninebody” Ding, Lei “Yosemite” Wang, Liu “Knight” Yu Xiang, at Chen “YiHao” Yi Hao ay sinamahan nina Li “sword9” Wei at Zhang “LuoK1ng” Zhan Peng, isang six-man roster na tumulong sa team na mapabilang sa hanay ng mga pinakamahuhusay sa Chinese Valorant.

Ang East Asia LCQ ay gaganapin online mula August 8 hanggang 14, tampok ang walong teams mula South Korea, Japan, at China. Ang mananalo ay makakakuha ng pwesto sa Valorant Champions, ang pinakahuling event ng VCT 2022 season.

Sa pagsali ng EDG at KONE, narito ang listahan ng mga teams na kasali sa LCQ:

  • DAMWON Gaming (Korea)
  • Maru Gaming (Korea)
  • On Sla2ers (Korea)
  • Northeption (Japan)
  • Crazy Raccoon (Japan)
  • REJECT (Japan)
  • Edward Gaming (China)
  • KONE eSC (China)

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.