Ang Valorant Champions Istanbul ang pinakamalaking Valorant tournament ng taon at ang magtatapos sa buong VCT 2022 season. Ang bawat event – mula sa regional Challengers tournaments hanggang sa Last Chance Qualifier – ay pinaglalabanan upang mag-qualify para sa Champions.

Upang masiguro ang kanilang spot sa tournament, ang mga teams ay kinakailangang makakuha ng sapat na VCT points sa regular season at sa mga international events tulad ng Masters.

Narito ang lahat nang teams mula sa kani-kanilang mga rehiyon na nakakuha ng pwesto sa Valorant Champions Istanbul.

Kumpletong listahan ng mga teams na qualified para sa Valorant Champions Istanbul

Valorant Champions Istanbul
Credit: Riot Games

Ang Valorant Champions tournament ng taong ito ay katatampukan ng 16 teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo, mula sa dating 12 noong nakaraang taon.

Ang 12 teams ang makakapasok sa pamamagitan ng VCT points, habang ang natitirang apat naman ay aabante mula sa Last Chance Qualifier ng kani-kanilang mga rehiyon.


Ang 12 teams na nag-qualify sa pamamagitan ng VCT points

DRX VCT Korea Stage 2 Challengers
Credit: Riot Games
TEAMREGIONPOINTS
OpTic GamingNorth America1,250
XSETNorth America295
FunPlus PhoenixEMEA1,200
FnaticEMEA525
LOUDBrazil650
LeviatánLatin America355
Zeta DivisionJapan475
Paper RexAPAC1,050
XERXIA EsportsAPAC300
DRXKorea550

OpTic Gaming ang nakakuha ng pinakamaraming points sa 900, at sila rin ang unang team mula sa North America na nag-qualify para sa Valroant Champions. Nanalo ang OpTic Gaming sa Masters Reykjavik kung saan tinalo nila ang LOUD 3-0 sa grand finals, na nagbigay sa kanila ng tumataginting na 750 points.

Nag-qualify din sila sa Masters Copenhagen na magbibigay ng garantisadong 150 points.

Sasamahan ng XSET ang OpTic Gaming bilang ikalawang team na kakatawan sa North America para sa Valorant Champions.

Bagama’t hindi pa pormal na inaanunsyo ng Riot ang format para sa mga teams sa Masters Copenhagen, inaasahang ang mga first seed mula sa bawat rehiyon ay aabante direkta sa playoffs ng Masters. Nangangahulugan na may garantisadong 250 points ang OpTic, sapat na para mahigitan ang The guard sa ikalawang pwesto, dahil ang pinakamababang pwestong makukuha nila sa Denmark ay 7th-8th place.

Samantala, nakatakda ang DRX na kumatawan sa Korea sa Valorant Champions. Walang duda na sila ang pinakamahusay na team sa Korea, kung saan nangunguna sila sa local competition at nag-qualify sa parehong Valorant LAN events ng taong ito.

Nakatanggap ang DRX ng 250 points matapos makuha ang 5th place sa Masters Reykjavik, at tulad ng OpTic, may garantisado rin silang 150 points sa pag-qualify para sa Masters Copenhagen.

Sa Asia-Pacific region naman, ang Paper Rex at XERXIA ang mga top-performing teams sa buong taon. Ang dalawang Southeast Asian powerhouse ang kakatawan sa APAC region sa Valorant Champions, tulad ng ginawa nila sa dalawang nagdaang Masters events.

Nagkaroon ng nakakabilib na run ang Paper Rex sa Masters Reykjavik, kung saan nakuha nila ang 4th place na nagbigay sa kanilang team ng 300 points. Nakatanggap naman ng 150 points ang XERXIA para sa kanilang pagtatapos sa ikasiyam na pwesto.


Mga teams na nag-qualify para sa Last Chance Qualifiers

TEAMREGION
100 ThievesNorth America
Team LiquidEMEA
KRU EsportsSouth America (Latin America and Brazil)
FURIA EsportsSouth America (Latin America and Brazil)
EDward GamingEast Asia (Japan, Korea, and China)
BOOM EsportsAPAC (SEA, Oceania, and South Asia)

Ang mga teams na nalikom ng pinakamaraming points sa kani-kanilang mga rehiyon – maliban doon sa mga nakapasok na sa Valorant Champions – ay mabibigyan ng isang huling pagkakataon na mag-qualify sa Valorant world championship ng Riot games sa paparating na Last Chance Qualifiers sa August.

Halimbawa, ang walong teams na sumunod sa OpTic at XSET sa North America ay maglalaban-laban para sa isang slot para sa Champions.

Ang Valorant Champions Istanbul ay nakatakdang ganapin sa September 2 hanggang 18 sa Istanbul, Turkey.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.