Hinirang ang Paper Rex bilang ang back-to-back champion ng VCT APAC Challengers matapos walisin ang XERXIA Esports sa grand final ng Stage 2 playoffs.

Muling pinatunayan ng koponan ang kanilang pagiging asintado para depensahan ang kanilang titulo bilang kampeon ng rehiyon. Hindi napigilan ng kalabang gumapang sa lower bracket ang kanilang pangingibabaw, bagay na maituturing mgandang senyales papasok sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen.

Paper Rex sinelyo ang back-to-back title sa VCT APAC Stage 2 Challengers

Paper Rex back-to-back champion ng VCT APAC Challengers
Credit: Valorant Esports

Nagsimula ang huling araw ng VCT APAC Stage 2 Challengers sa bakbakan ng XERXIA Esports at Team Secret sa lower bracket finals. Nakataya dito ang natitirang pagkakataon para maging kinatawan ng rehiyon sa Masters Copenhagen.

Tagumpay na na-reverse sweep ng pamabato ng Thailand ang mga Pinoy para maselyo ang kanilang tiket papuntang Denmark at makaharap ang Paper Rex sa grand final.

Paper Rex back-to-back champion ng VCT APAC Challengers
Credit: XERXIA Esports

Gayunpaman, nanatili ang tikas ng nina Jason “f0rsakeN” Susanto para mapigilan ang Cinderella run ng XERXIA. Tinapos nila ang unang mapa na Icebox sa iskor na 13-8, ang ikalawang mapa na Fracture sa iskor na 13-4, at ang huling mapa na Breeze sa iskor na 13-5.

Dahil nawalis ng Paper Rex ang XERXIA sa grand final, natapos ng koponan ang kanilang kampanya sa VCT APAC Stage 2 Challengers nang hindi man lang natatalo kahit isang laban.

Paper Rex back-to-back champion ng VCT APAC Challengers
Credit: Riot Games

Bukod sa ikalawang-sunod na kampeonato, gagantimpalaan din ang koponang naka-base sa Singapore ng US$30,000 (₱1.6 milyon) na premyo. Makakakuha rin ang XERXIA ng US$20,000 (₱1 milyon) sa pagiging runner-up.

Ang dalawang koponan ang magiging kinatawan ng APAC sa VCT Stage 2 Masters Copenhagen na nakatakdang ganapin simula ika-10 hanggang ika-24 ng Hulyo.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: OpTic Gaming lilipad papuntang Masters Copenhagen upang ipagtanggol ang trono