Kinumpirma ng Riot Games na ang VCT Stage 2 Masters Copenhagen ay magkakaroon ng live audience sa huling tatlong araw ng tournament. Kabilang dito ang upper bracket final at lower bracket semifinal, ang lower bracket dinal, at ang grand final.

Ang mga matches ay gaganapin sa the Forum sa Copenhagen, isang malaking indoor venue na may seating capacity na 1,000 na matatagpuan sa Frederiksberg municipality.

Ang general admission tickets ay magiging available sa Friday, July 1, 4 p.m. GMT+8.

Masters Copenhagen tickets mabibili na sa July 1

Masters Copenhagen Forum Tickets
Credit: Riot Games

Ang mga tickets para sa mga matches na gaganapin mula July 22 hanggang 24 ay mabnibili sa Tixr.

DATEMATCHWHERE TO BUY
July 22Upper bracket final and lower bracket semifinalTixr
July 23Lower bracket finalTixr
July 24Grand finalTixr

Para makabili ng ticket, kailangan munang gumawa ng Tixr account. Nirerekomenda ng Riot na gumawa na ng accounts ang mga fans bago pa magsimula ang ticket sales, dahil sa posibilidad na mabilis mauubos ang tickets. Ang bawat isa ay maaari lamang bumili ng hanggang apat na tickets para sa bawat araw ng event.

Dalawang klase ng tickets ang magiging available: Ground floor bleachers, na magkakahalagang 245 DKK (US$35), at Balcony Bleachers na magkakahalagang 175 DKK (US$25).

Ang mga teams mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ay kasalukuyan pa ring naglalaban-laban upang makakuha ng isa sa 12 slots sa Masters Copenhagen. Ang Guild Esports, Fnatic, FunPlus Phoenix, at OpTic Gaming ang ilan sa mga unang teams na sigurado nang maglalaro.

Ang Masters Copenhagen ay gaganapin mula July 10 hanggang 24. Ang mananalo sa event na ito ay automatic na magku-qualify para sa Valorant Champion sa September.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.