Hindi lang puro laro ang pagiging isang pro player. Sa pagiging ng mga scrims at mga VOD reviews, halos wala nang natitirang oras ang mga players para sa sarili nila, pero marami pa ring kinakaya na pagsabayin ang nakakapagod na streaming schedule at ang kanilang obligasyon bilang pro player.
Gayon pa man, ang bansag na “content creator” ay minsan ginagamit patungkol sa mga players o teams na may malalaking followings online subalit bigong makakuha ng tagumpay sa mga tournaments.
Ang dating mga halimaw ng North America na Sentinels ang isa sa mga madalas na biktima ng kritisismo na ito. Sa dami ng oras na ginugugol nila sa streaming kumpara sa hindi nakakabilib na resulta nila sa mga tournaments – wala silang nakuha maski isang panalo sa VCT NA Stage 2 Challengers groups stage – mabilis na inisip ng mga fans na ang dami ng oras na inuubos nila sa stream ang ugat ng issue na ito.
May negative correlation ang oras sa streaming at maps na ipinanalo

Isang Valorant stats guru, na kilala sa handle na willminder sa Twitter, ang sumubok na matukoy ang negative correlation sa pagitan ng bilang ng oras na ginugugol ng isang team sa pag-stream at kung gaano sila kadalas manalo sa VCT.
Kinumpara ni Willminder ang bilang ng oras ng stream sa nakaraaang 30 araw ng bawat isa sa 12 teams na kasali sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage sa kanilang win percentage. Ang layunin nito ay alisin ang sisi sa mga players bilang indibidwal at ituon ang atensyon sa kung paano ginagamit ng buong team ang kanilang oras.
Ang lumalabas, meron ngang meron ngang negatibong epecto ang dami ng oras ng stream sa taas ng map win percentage ng isang team, kung saan mas mataas ang win rate kapag mas konti ang oras sa pag-stream.
Mas binusisi pa ng redditor na si u/LovelyResearcher ang datos, at tinignan ang mga oras ng stream sa nakaraang 90 araw at map win rate ng isa sa bawat 12 teams. Isinama dito ang win rates ng parehong group stage at playoffs.
| TEAM | HOURS STREAMED | MAP WIN PERCENTAGE |
| OpTic Gaming | 120 | 79% |
| XSET | 410 | 77% |
| FaZe Clan | 28.6 | 58% |
| Ghost Gaming | 252.6 | 53% |
| 100 Thieves | 534 | 50% |
| Evil Geniuses | 309.3 | 50% |
| NRG | 452.1 | 50% |
| Luminosity | 48.2 | 50% |
| Cloud9 | 698 | 45.45% |
| The Guard | 273.1 | 39% |
| TSM | 547.8 | 20% |
| Sentinels | 913.9 | 9% |
Ang correlation coefficient, o r-value, ng negative 0,3410 ay nagsasabing may kaunting negatibong ugnayan, bagama’t ang ugnayang ito ay hindi nagsasabing ito nga ang dahilan.
Ang Sentinels ang may pinakamataas na bilang ng oras sa stream, na may halos 914 oras sa nakaraang tatlong buwan. Sa kasamaang palad, sila rin ang may pinakamababang map win percentage na 9 percent. Sa kabilang banda, ang OpTIc Gaming ang may pinakamataas na win rate na 79 percent, ngunit may isa sa pinakakonting oras sa stream na 120.
Si Shahzeb “ShahZaM” Khan ang may pinamasipag na streamer na may 458 oras sa record, habang si Xavier “flyuh” Carlson ng FaZe Clan at Ian “tex” Botsch ng NRG naman ang nasa kabilang dulo ng listahan an may 1.5 oras lamang.
Syempre meron ding ibang dahilan, tulad na lang ng kinailangang maglaro ng Sentinels sa isang match nang wala sina Tyson “TenZ” Ngo at Hunter “SicK” Mims, pati na rin ang kanilang huling dalawang laban na wala si SicK.
Hindi lahat nang teams ay sumusunod sa pattern na ito. Halimbawa, isa sa mga naging matagumpay na teams ang XSET para sa season na ito, katulad ng OpTic, subalit mas marami nang triple ang oras ng kanilang stream.
Sa kabila nito, mahirap pa ring itanggi ang pangkalahatang kaugnayan, “More stream hours means less practice time, protocols, and overall strategy,” sabi ni Rory “dephh” Jackson ng XSET sa Twitter.
Sumang-ayon din si James “hazed” Cobb ng NRG. “Kind of confirms what most people believe, including myself,” sabi niya tungkol sa graph.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.