Mukhang hindi pa rin natatapos ang malungkot na kabanata para sa Valorant roster ng Sentinels. Inanunsyo kamakailan ng organisasyon na magliliban muna si Hunter “SicK” Mims para mag-asikaso ng isang hindi pa natutukoy na bagay kaugnay sa kanyang pamilya.

Hindi nakapaglaro si SicK sa kanilang match laban sa Masters Reykjavik 2022 champions na OpTic Gaming sa Week 3 ng VCT NA Stage 2 Challengers group stage, kung saan natalo sila 2-0. Kinailangan ng team na paglaruin ang kanilang dalawang substitute, ito ay matapos na hindi rin nakapaglaro si Tyson “TenZ” Ngo dahil sa COVD-19 infection.

Inanunsyo ng North American squad na ang kanilang head coach na si Shane “Rawkus” Flaherty ang papalit kay SicK para sa mga natitirang laban nila sa VCT NA Stage 2 Challengers.

Sentinels maglalaro kasama si Rawkus sa Stage 2

Sentinels SicK Out VCT NA Stage 2 Challengers
Credit: Sentinels

Hindi naging maganda ang mga nakaraang linggo para sa mga dating hari ng North America. Sunod-sunod na talo ang tinamo nina TenZ at ng kanyang squad sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage sa kamay ng Luminosity Gaming, Evil geniuses, at OpTic Gaming.

Sa kanilang record na 0-3, nanganganib ang kanilang tsansa na makapasok sa playoffs.

Upang makaabante, kinakailangan nilang manalo laban sa FaZe Clan at Cloud9. Bukod pa dito kakailanganin din ng Masters Reykjavik 2021 champions na magkatotoo ang ilang mga scenario.

Ang best-case scenario para sa kanila ay ang manalo ang Evil Geniuses at Luminosity laban sa FaZe at Cloud9. Kapag nangyari ito ay malalamangan ng Sentinels na may 2-3 record ang dalawang teams na may 1-4 lang.

Anumang tiebreaker sa pagitan ng mahigit sa tatlong teams ay pagdedesisyunan base sa kanilang map win percentage sa group stage, round win percentage, at team seeding bago magsimula ang group stage.

Ang ikaapat at ikalimang teams naman ay maglalaro sa isang best-of-three match kung saan kukunin ng winner ang fourth place.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.