Kilala si Tyson “TenZ” Ngo dahil sa kanyang kakaibang husay sa paggamit ng Korean duelist na si Jett, ngunit hindi napag-alamang may isa pang agent na napupulsuhan ng Valorant pro player.

Kamakailan lang ay inilarawan ni TenZ ang French weapons expart na si Chamber bilang best sentinel sa game, dahil sa kanyang instant escape Rendezvous teleporters, Headhunter pistol, at mabilis na Tour De Force sniper rifle.

Bagama’t nakatanggap ng mabigat na nerf sa Valorant patch 4.09 na bumawas sa bilang ng kanyang Trademark traps, nananatili pa rin ang karamihan ng kanyang mga ability na naging dahilan ng pagiging mapanganib nito sa kamay ng tamang player.

Si Chamber ay ‘busted’, ayon kay TenZ

Chamber Operator
Credit: Riot Games

Tinawag ng 21-anyos na Sentinels star ang French agent na “busted,” dahil sa kalamangang ibinibigay ng kit nito.

“You can primary Op and get out of jail for free,” sabi niya, patungkol sa Rendezvous anchors ni Chamber na nakakatulong sa kanyang maging agresibo at mag-teleport palayo nang mabilisan.

Ang mga anchors ay nagre-recharge kada 20 segundo at hindi nakadepende sa pagkuha ng kills ng player, hindi tulad ng Tailwind dash ni Jett.

“The [Headhunter] sheriff is a perfect secondary, where you can instantly get another shot off after an Operator shot,” dagdag pa niya. Ang ubod ng bilis na draw speed ng Headhunter ang isa sa mga dahilan kung bakit itinuturing na malakas ang sentinel agent, dahil nangangahulugan itong hindi mo siya mahuhuling walang laban.

“If you ADS with the sheriff, you’ll get the freest kills. It’s like a Guardian, but you have it with you every round,” paliwanag niya.

TenZ Sentinels VCT Stage 2 Masters
Credit: Riot Games

“I really wish my team wanted me on him because this character is so strong,” sabi niya. Ibinigay ni TenZ ang mga pahayag na ito bago lumabas ang Chamber nerf, ngunit ang lahat nang abilities na kanyang binanggit ay nananatili at hindi nagalaw sa patch 4.09.

Maaaring mahirapan si Chamber sa kanyang tungkulin bilang sentinel at flank watcher dahil isa na lang kanyang trap, ngunit ang ibang bahagi ng kanyang arsenal ay nananatili pa ring malakas.

Si Michael “dapr” Gulino ang kasalukuyang gumagamit ng Chamber para sa Sentinels, habang nananatili si TenZ na primary entry ng team sa kanyang Jett. Si TenZ ang inaasahan ng team na gumawa ng first contact, ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nila gugustuhing ilipat ang kanilang entry fragger sa sentinel role.

Bagama’t nangingibabaw ang kit ni Chamber sa pag-hold ng mga hindi inaasahan at mga alanganing anggulo sa defense, hindi ito naaangkop para makakuha ng first pick sa attack, kaya kinakailangan pa rin ng mga teams ng isang duelist tulad ni Jett o Raze para makapasok.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.