Muling pintunayan ni Hunter “SicK” Mims ng Sentinels kung bakit isa sya sa mga pinakamahusay na flex players sa Valorant.

Sa kanilang match laban sa NRG sa VCT NA Stage 1 Challengers Main Event, nakagawa sya ng isang perfect Raze Blast Pack peek para makakuha ng isang nakakabilib na ace sa Bind para sa Sentinels, isang move na diumano’y natutunan nya mula sa kanyang dating teammate na si Jay “Sinatraa” Won.

Sentinels nanalo sa kanilang unang VCT NA Stage 1 Challengers match

Valorant Sentinels ShahZam SicK zombs dapr TenZ
Credit: Sentinels

Sa unang mapa, pinili ng Sentinels na gumamit ng double controller composition sa Fracture kung saan gumamit si SicK ng Astra habang si Jared “zombs” Gitlin naman sa Viper. Ito ang unang beses na gumamit ang flex player ng controller agent sa isang pro match, at kitang-kita ito sa kanilang match laban sa NRG. Nagtapos sya na may 12/17/7 KDA, kinuha naman ng NRG ang Fracture sa score na 13-10.

Bumawi naman si SicK sa kanyang Skye sa Haven, na tumulong upang makabangon ang kanyang team mula sa 7-5 deficit papuntas sa isang solidong attacking half para mag-tie ang series sa 1-1.

Humataw rin ang superstar duelist na si Tyson “TenZ” Ngo gamit ang kanyang Jett, na kumuha ng MVP honors at nagkaroon ng magandang performance sa huling dalawang mapa.

Ang nakakabilib na Raze ace ni SicK sa Bind laban sa NRG

Pagdating sa Bind, tanggal na ang kalawang ng Sentinels na naipon ng ilang buwan at talaga namang nag-iinit na sila. Tinapos nila ang unang half na may dominant score na 11-1, na sinigurado ni SicK gamit ang isang astig na ace sa Round 11 nang magawa nya ang perfect retake sa A-site.

Nilinis muna ni SicK ang A-short gamit ang Paint Shells ni Raze, matapos ay nag-push sya sa U-Hall kung san ginamit nya ang Blast Pack upang masilip at mailigpit ang mga NRG attackers. Umatras papuntang A-short ang natititrang dalawang attackers, kung saan hinabol at tinumba sila ng Raze player gamit ang isang Phantom headshot at Showstopper ultimate.

Paano gawin ang Raze Blast Pack peek

Live na pinapanood ni Sinatraa ang match at inako nya ang credit para sa nakakabilib na paggamit ni SicK ng Raze Blast Pack peek. “He’s been watching my streams,” bahagi ni Sinatra. “I actually created the C4 peek meta. Nobody was doing that before me.”

Gumagana ang strat na ito sa pamamagitan ng pagbato ng Blast Pack ni Raze malapit sa kalaban. Pasasabugi ito ng players sa eksaktong sandali na palabras si Raze para bumaril. Mawawala sa posisyon ang mga kalaban dahil sa Blast Pack kung kaya’t mahihirapan silang umasinta. Sa particular na pangyayaring ito, itinulak ng Raze Blast Pack ang dalawang NRG members upang magdikit, na tumulong naman para mas madaling mapitas ni SicK ang dalawang agents gamit ang isang spray.

Nakuha ng Sentinels ang Bind at nanalo sa series 2-1 sa VCT NA Stage 1 Challengers Group Stage.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.