Hindi nagpaligoy-ligoy ang North American Valorant streamer na si Jay “Sinatraa” Won sa kanyang opinyon tungkol sa Yoru rework na inanunsyo kamakailan ng Riot Games, kung saan may mga pagbabagong magaganap sa agent abilities ng duelist.

Ang mga top player tulad nina Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels at Adil “ScreaM” Benrlitom ng Team Liquid ay naniniwalang ang mga pagbabagong ito ay makakapagpaganda sa lurking duelist ng Valorant, ngunit salungat ang opinyon ni Sinatraa at sinabing si Yoru ay isang “terrible agent”.

Hindi kumbinsido si Sinatraa sa bagong Yoru rework na inanunsyo ng Riot Games

sentinels sinatraa
Credit: Sentinels

Sinabi ng dating Sentinels pro player sa kanyang Twitch stream na “[Yoru] is actually terrible,” matapos basahin ang State of the Agent blog post na inilabas ng Riot Games.

Nanatili namang hyped ang mga fans sa kanyang Twitch chat tungkol sa mga magaganap na buffs, lalo na sa reworked Fakeout ability ni Yoru. Ang lurking duelist ay maaari nang magpadala ng carbon copy ng kanyang sarili na tumatakbo patungo sa kalaban at sumasabog kapag binaril. Ang mga kalaban na babaril sa decoy ay mabubulag ng flash na may “conal direction.”

Nagkomento ang mga Twitch viewers ni Sinatraa na magiging malaks ang bagong Fakeout ability ni Yoru, ngunit naniniwala ang sikat na Valorant streamer na maaaring gumana lamang ito sa iron ranks. “The decoy is probably the worst part of his kit,” sagot nya.

Kinontra naman ni Sinatraa ang ideya na broken ang updated Dimensional Drift ni Yoru. Sa mga pagbabagong magaganap, maaari nang gamitin ng agent ang lahat nang kanyang abilitis habang nagcha-channel ng kanyang ultimate, isang magandang paraan upang tulungan ang kanyang team na mag-setup ng plays.

Ngunit hindi nabilib si Sinatraa at pinuna ang mga buffs na ito, sabay sabing ang mga abilities ni Yoru ay magagamit lamang nang maayos kapag gumamit sya ng ultimate. Ang Dimensional Drift ay nangangailangan ng anim na ultimate points, kung kaya’t naniniwala ang sikat na streamer ang pagiging epektibo ni Yoru ay limitado lamang sa iilang rounds.

Sa ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung magiging bahagi si Yoru ng agent meta ng Valorant.

Ang rework ay lalabas sa Valorant Episode 4 Act II na nakatakdang magsimula sa March 1, 2022.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.