Patuloy ang mga haka-haka tungkol sa north American Valorant pro na si Jay “Sinatraa” Won at kanyang pagsali sa Valorant roster ng TSM.

Wala pa ring kinabibilangang team ang dating Overwatch league 2019 MVP matapos ang suspension mula sa Riot Games dahil sa kanyang paglabag sa Rule 8.1 ng Valorant Global Competition policy at sa pagtangging makipagtulungan sa imbestigasyon ng tournament operator.

Nagbigay na ng pahayag ang Sentinels team captain na si Shahzeeb “ShahZam” Khan na ang kanilang roster ay patuloy na magko-compete kasama ang superstar player na si Tyson “TenZ” Ngo, at wala silang planong baguhin ito.

Sinatraa nagsimula nang mag-practice kasama si Wardell at ang TSM

Valorant Sentinels Sinatraa
Credit: Sentinels

Sa kanyang stream, binanggit ni Sinatraa na nakakasama nya sa scrimmage si Matthew “Wardell” Yu at ang TSM.

Matapos buksan ang in-game ladder at mapansing nangunguna na sa North America Valorant ranked leaderboard si Wardell, ikinwento ni Sinatraa na laging nanghihingi sa kanya si Wardell ng Operator kapalit ng Stinger sa kanilang mga scrims.

Ilang buwan nang nagpapahaging sina Wardell, Yassine “Subroza” Taoufik, at Sinatraa tungkol sa nalalapit nilang collab sa ilalim ng TSM banner. Nangangailangan din naman ang TSM ng isa pang myembro sa kanilang roster matapos nilang i-bench si Sean “bang” Bezerra noong September.

Kasalukuyang nagpapahinga ang TSM para sa 2021 VCT season matapos nilang hindi makasali sa VCT NA Last Chance Qualifier at Valorant Champions.

Maraming organizations ang magre-revamp ng kanilang mga rosters sa VCT offseason bilang paghahanda para sa 2022. Kasalukuyang content creator si Sinatraa para sa Sentinels, ngunit gusto nyang mag-compete ngayong tapos na ang kanyang suspension.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.