Pitong buwan na ang nakalipas mula nang makita natin si Jay “Sinatraa” Won sa isang professional Valorant tournament.

Hindi na nakapaglaro si Sinatraa sa Sentinels mula nang masuspinde sya ng Riot Games dahil sa paglabag sa Rule 8.1 ng Valorant Global Competition policy at sa hindi nya pakikpagtulungan sa imbestigasyon na isinagawa ng tournament operator.

Nagbigay na rin ng pahayag ang Sentinels team captain na si Shahzeeb “ShahZaM” Khan na kumpleto na ang kanilang roster sa pagsali ni Tyson “TenZ” Ngo. Dahil dito, marami ang nag-iisip kung saang team sasali si Sinatraa ngayong tapos na ang kanyang suspension.

Sasali ba si Sinatraa sa TSM?

sentinels sinatraa
Credit: Sentinels

Mulan ang magbalik sya sa streaming, tinutukan ni Sinatraa ang pagiging isang content creator para sa Sentinels, kung saan nakaka-duo nya ng ilang beses si Yassine “Subroza” Taoufik ng TSM

Nagpapahaging si Sinatraa sa mga fans tungkol sa kung anong team ang kanyang sasalihan. Maraming content creators ang nakisakay dito at nagsasabing bumubuo sila ng Valorant team kasama ang dating OWL 2019 MVP. Maging si Matthew “Wardell” Yu ng TSM ay nakisali na rin dito.

Maraming fans ang sabik malaman kung matutulungan ba ni Sinatraa na baguhin ang takbi ng TSM para sa Valorant 2022 season, lalo na’t hindi nakapag-qualify ang TSM para sa VCT NA Last Chance Qualifier matapos manalo ng Gambit Esports sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Maraming organizations ang siguradong magre-revamp ng kanilang mga rosters sa offseason, at sinumang team ang makakakuha kay Sinatraa ay tiyak na babago sa balance ng competitive North American Valorant scene.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.