Handa na ang Valorant pro player ng Sentinels na si Jared “Zombs” Gitlin na kunin ang titolong “king of watches” matapos syang makitaang may suot na limang Rolex watches sa isang braso.

Ang VCT Stage 2 Masters Reykjavik champion ay bumili kamakailan lang ng limang iba’t ibang kulay na Rolex Oyster Perpetual 36.

Ang bawat relo ay nagkakahalagang US$6,000 (SG$8,000 o PH₱300,000), na may total na US$30,000 (SG$48,000 o PH₱ 1.5 million).

Bumili si Zombs ng hindi lang isa, hindi dalawa, kundi limang Rolex watches

Ang mga Oyster Perpetual 36 watches ay may dynamic at matingkad na itsura dahil sa mga bago nitong kulay: candy pink, turquoise blue, yellow, coral red, at green.

Ayon sa brochure ng Rolex. “the Oyster Perpetual 36 carries Superlative Chronometer certification, which ensures excellent performance on the wrist.”

Sa VCT Stage 3 Masters Berlin, naaksidente sakay ng isang electric scooter na sumira sa kanyang Rolex watch bago ang opening match ng Sentinels laban sa G2 Esports.

Ikinwento ni Michael “dapr” Gulino ng Sentinels ang buong istorya kung anong nangyari noong gabing ‘yun pagbalik ng team mula sa VCT Stage 3 Masters Berlin kung saan nagtapos sila sa 5th-8th place.

Ilalabas kaya ni Zombs ang kanyang bagong watch collection sa darating na Valorant Champions 2021?

Umaasa ang Sentinels na manalo sa kauna-unahang Valorant world championship ng Riot Games, ang Valorant Champions 2021, na magsisimula sa December 2, 2021.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.