Niyanig ng pagdating ni French agent Chamber ang Valorant pro meta. Bagamat matagal nang staple si Jett pagdating sa agent composition sa halos lahat ng mapa, may mga koponan na ipinapalit sa kanya ang mapormang sentinel.

Ilan sa mga koponan ang talagang aktibo na pinapakuha sa kanilang star Jett players ang teleporting sentinel, isang role na tila salungat sa kanilang orihinal na posiyon bilang entry fragger.

May mga oras na ipinalit nila Mehmet Yağız “cNed” İpekJaccob “yay” Whiteaker, and Matthew “Wardell” Yu ang kanilang signature Jett para kay Chamber at nagkaroon sila ng magkakaibang antas ng tagumpay sa paglalaro nito.

Halatang-halata na pinahina ng Chamber ni cNed ang abilidad ng kasalukuyang world champions na Acend na mag-push ng sites kaya naman nakalasap sila ng 1-2 upset sa kamay ng Guild Esports sa VCT EMEA Stage 1 Challengers Main Event.


Kaya bang palitan ni Chamber si Jett?

Chamber
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Bagamat unmatched ang abilidad ni Jett na gumawa ng space para sa kanyang koponan, ang pagkakapareho nila dapper French sentinel at fleet-footed Korean duelist ang pwedeng dahilan kung bakit kinokonsidera si Chamber bilang posibleng alternatibo.

Isa si Jett sa iilang agents na epektibong gumagamit ng Operator kaya lagi siyang kinukuha sa pro play. Tinutulungan siya ng kanyang Tailwind dash na makatakas sa mahihirap na sitwasyon kaya mahirap siya i-punish kahit siya ay out-of-position.

Kayang-kaya rin itong gawin ni Chamber at maaari ngang mas maigi pa. Ang kanyang Rendezvous anchors ay pwedeng ituring na mas magandang version ng Tailwind dahil isang key lang ang pipindutin para ma-exectute nang tama. At hindi tulad ni Jett, walang tsansa na mag-dash papunta sa maling direksyon o mabangga sa teammate o wall si Chamber.

Nangangahulugan ito na kaya niyang mag-hold ng angles na kaya ni Jett gamit ang Operator at siguruhin ang kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng isang instant get-out-of-jail button. Dagdag pa rito, ang kanyang Tour De Force ultimate ay mas mabilis na version ng Operator at malakas ang impact sa eco rounds kagaya ng Blade Storm.

Higit sa lahat, ang global effect ng kanyang Trademark traps ang dahilan kung bakit isa siya sa best agents pagdating sa pagbabantay ng flanks lalo na sa mga malalaking mapa tulad ng Breeze at Fracture.

Credit: Riot Games

Gayunpaman, ang mga koponan na hindi kumukuha kay Jett ay kailangang maghanap ng paraan para punan ang butas na iiwan niya. Pagdating sa attack, hindi kayang pantayan ni Chamber ang kakayahan ni Jett na mag-dash papasok ng isang site at guluhin ang depensa ng kalaban.

Pinakita ng OpTic Gaming kung paano maglaro nang walang Jett sa kanilang match kontra Sentinels sa VCT NA Stage 1 Challengers Main Event. Gamit ni yay si Chamber at si Victor “Victor” Wong naman kay Raze, sinulit ng OpTic ang utilities nila Astra at Viper para magbigay ng space kay Victor sa Bind.

Maaari ring mag-backfire ang pagsandal kay Chamber. Sa napakapait na 0-13 defeat laban sa The Guard sa Ascent, gumamit si Peter “Asuna” Mazuryk ng Chamber sa isang zero duelist composition na halos walang impact sa attackers side.


Pwedeng pagsabayin sila Chamber at Jett

Credit: Riot Games

Hindi lahat ay nai-impress sa mga koponan na pinapalaro ang kanilang Jett main ng ibang agent na kayang mag-lock down ng sites, lalo na sa mga mapa kung saan kailangang-kailangan ang Korean duelist para mag-push. Isa na rito si Valorant caster at analyst Donnie “Elevated” Chell.

“It honestly feels like pro teams are looking at agents in a super one-dimensional way. Please just play both Jett and Chamber,” sabi ni Elevated sa isang tweet.

Ganitong-ganito ang ginawa ng ilang koponan. Ginamit ng Cloud9 ang parehong agents sa Breeze kung saan nilagay nila si star player Nathan “leaf” Orf sa entry fragging role. Iniwan naman ng Sentinels si Tyson “TenZ” Ngo sa Jett habang nilagay nila si Michael “dapr” Gulino sa Chamber.

Anu’t-ano pa man, nangangahulugan lang na maraming paraan kung paano laruin ang Valorant gamit ang napakaraming agent combinations at possibilities. Overall, si Jett pa rin ang mas versatile na agent at kakailanganin ng mga koponan na maghanap ng paraan na mag-control ng site nang wala ang kanyang aggressive kit kung hindi nila siya ipi-pick.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.