Matapos ang hindi masyadong magandang simula kung saan tila hindi sila makakaabot ng VCT NA Stage 2 Challengers Main Event, matinding laro ang ipinakita ng Sentinels upang makalagpas sa ikalawang open qualifier.

Mukhang ang pagbabalik ni Shane “Rawkus” Flaherty bilang head coach ang kinailangan ng Sentinels. Sa pagbabalik ng dating FaZe Clan player, muli ding nagbalik ang Sentinels mula sa tinamong pagkatalo mula sa Akrew upang makagawa ng nakakabilib na 10-0 run sa lower bracket.

Pinatunayan nina Tyson “TenZ” Ngo at ng kanyang team na bagama’t nahihirapan sila, hindi pa rin sila pwedeng basta balewalain. Ang kanilang matagumpay na pagbabalik sa kanilang dating laro ay naganap isang araw lang matapos na pormal na ianunsyo ang pagbalik ng 27-anyos na coach.

Nagawa rin nilang maghiganti sa Akrew, kung saan tinalo nila ang upstart team sa kanilang qualifying match. Sa isang nakaraang Twitch stream, pinuri ni TenZ si Rawkus para sa kanilang nakuhang tagumpay, at sinabing malaki ang naiyulong nito sa team upang magkaroon ng tamang mindset upang manalo sa mga games.

Paano nakatulong si Rawkus ang Sentinels na magkaroon ng tamang estado ng pag-iisip

TenZ On Rawkus
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Sa wakas ay naglalaro na rin ang Sentinels na parang isang team nitong nakaraang weekend.

“It’s been like a night and day difference from the past. It definitely felt like a vintage squad performance from us because in recent times it’s been kind of rough,” sabi ni TenZ.

Parang nahirapan ang team na panatilihin ang kanilang composure sa mga pagkakataon na hindi maganda ang takbo ng round para sa kanila. “I’m not trying to disregard any teams that beat us, but I felt like a lot of the time it felt like we were beating ourselves,” dagdag pa niya.

“If we made a mistake, we’d hold a grudge or something and then we wouldn’t be able to focus. We’d also get tilted, which lowered everyone’s morale.”

VCT 2021 Sentinels Rawkus
Credit: Riot Games

Binanggit din ni TenZ na kagagawan ng Sentinels coach kung bakit may kakayahan ang team na baligtarin ang mga sitawasyon na hindi pabor sa kanila.

“I do think that he really helped. We were getting a little bit frustrated, and Rawkus decides to take a pause,” kwento ng 21-anyos na player. “He’s like, ‘Hey guys, calm down. The match isn’t over.’”

Naglaro nang walang coach ang Sentinels sa malaking bahagi ng career ng team. Sumama si Rawkus sa squad papuntang Champions noong 2021, ngunit dahil sa mga komplikasyon ng kanyang pag-buyout mula sa FaZe ay naglaro ang team sa Stage 1 nang walang tulong mula sa kahit anong dedicated coaching staff.

Masasaksihan ngayon ng mga fans kung makakatulong ba ang pagkakaroon ng coach sa pagbabalik ng dating Sentinels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.