Kailangang manalo ng Masters Reykjavik 2021 champions na Sentinels sa ikalawang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers kung gusto nilang maka-qualify sa Valorant Champions Tour.

Matapos mabigo kontra pinalakas na FaZe Clan sa iskor na 1-2 sa upper bracket at ma-eliminate ng Lumunosity Gaming, 1-2, sa upper bracket, natapos ang kampanya ng North American powerhouse sa unang VCT NA Stage 2 Challengers open qualifier.


Sentinels nalaglag sa unang VCT NA Stage 2 Masters open qualifier

Sentinels susubukang bumawi sa ikalawang VCT NA open qualifier
Credit: Riot Games

Pinangibabawan ng Sentinels ang rehiyon ng North America noong 2021. Tagumpay sila sa VCT NA Stage 1 Masters, VCT NA Stage 2 Challengers finals, at VCT NA Stage 3 Challengers playoffs. Hindi nila kinailangang maka-requalify sa VCT NA tournaments noong nakaraang taon dahil sa mga panalong ito.

Noong ika-30 ng Enero ng karaang taon pa nga sila huling sumabak sa VCT NA qualifier noong VCT 2021 season.

Pero dahil sa kanilang 7th-8th place finish noong nakaraang VCT NA Stage 1 Challenger playoffs, hindi nakaselyo ng spot sa main event ng Stage 2 ang Sentinels. Kinailangan muna nilang makalampas sa Stage 2 qualifier para maka-abante sa group stage ng VCT NA Stage 2 Challanger.


Kampanya ng bagong Valorant roster ng Sentinels sa VCT NA Stage 2 Challengers qualifiers, nagtapos sa 7th-8th place

Sa kabila ng pagpapakitang-gilas ni Tyson “TenZ” Ngo, na nagtala ng 27/17/6 na KDA sa Fracture kontra Luminosity Gaming, hindi nakaligtas sa lower bracket ang Sentinels.



Matatandaang nagpalit ng roster at agent roles ang Sentinels bago sumabak sa VCT NA Stage 2 qualifiers.

Pinalitan ni Eric “Kanpeki” Xu, na isang flex player, si Jared “Zombs” Gitlin. Controller agents naman na ngayon ang ginagamit ni Hunter “SicK” Mims, habang initiator naman na ang role na ginagampanan ni Shahzeb “ShahZaM” Khan.

Inamin naman ng mga dating kampeon ng Masters Reykjavik ang kanilang mga kakulangan. Nabanggit pa nga ni ShahZaM sa isang tweet na isa sa mga ‘worst series’ niya ang kanilang pagkatalo kontra Luminosity.

Sentinels susubukang bumawi sa ikalawang VCT NA open qualifier
Credit: ShahZaM

Ilang araw na lang ang nalalabi para sa Sentinels para maka-qualify sa main event mula sa ikalawang qualifier na gaganapin simula ikalima hanggang ikawalo ng Mayo.

Mapapanood ng mga Valorant fans ang laban sa opisyal na Twitch channel ni Nerd Street Gamer.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Valorant at VCT, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Neon nerfs sa Valorant 4.08, naging rason kung bakit mas inayawan siya sa Valorant