Comeback sa VCT is real matapos masalba ng 10-0 run ng Sentinels ang kanilang pagkakataong maka-qualify sa main event ng VCT NA Stage 2.

Sa unang open qualifier ng VCT NA Stage 2 Challengers na idinaos matapos ang Masters Reykjavik 2022, nabigo ang Valorant NA powerhouse kontra FaZe Clan, 2-1, sa upper bracket, at na-eliminate ng Luminosity Gaming, 2-1, sa lower bracket para magtapos ang kanilang kampanya sa 7th-8th place.

Kinailangan nilang magtagumpay sa ikalawang open qualifier ng VCT NA Stage 2 Challengers at makapasok sa top four para makapasok sa Valorant Champions Tour Main Event, dahil kung hindi ay sa susunod na season na sila ulit makakasubok.

Pero matapos bumalik si coach Shane “Rawkus” Flaherty, tagumpay silang naka-qualify sa Main Event, salamat na rin sa perpektong 10-run ng Sentinels sa lower bracket.

Undefeated lower bracket run ng Sentinels, patunay sa kanilang pagbabalik; pasok na sa VCT NA Stage 2 Main Event

10-0 run ng Sentinels sa VCT NA Stage 2 lower bracket, sinelyo ang slot sa main event
Credit: Riot Games

Nalaglag ang Sentinels sa lower bracket matapos walisin ng Akrew sa round of 16 ng upper bracket.

Nagsimula ang run ng Sentinels sa lower bracket round 2. Winalis nila ang PUGSTARS, Cosmic Divide, DarkZero Esports, SoaR, at Akrew para makapasok sa top four at maka-qualify sa Main Event.

Sa semifinals rematch kontra Akrew, nanguna si Tyson TenZ” Ngo sa pangingibabaw ng Sentinels sa Haven. Nagtala siya ng 15/7/3/ KDA at 291 ACS sa 13-1 nilang panalo.

Sa round 14 bilang defenders, naka-double kill pa ang manlalaro sa sulok ng A short gamit ang Judge.

Sa Icebox, ang ikalawang mapa ng serye, na pumalag ang Akrew. Nagawa nilang idikit ang mga socre pero hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang pagpapakitang-gilas ni TenZ sa kanyang Jett. Nakapagtala siya ng 27/15/3 KDA at whoppipng 349 ACS.

‘Di rin nagpahuli ang bagitong si Eric “Kanpeki” Xu sa kanyang Chamber matapos ang kanyang “flick of the day” play.

Pagpasok sa round 15 nang tied, 7-7, attackers naman ang Sentinels. Pinasok ni Kanpeki ang Viper’s Wall ng kalaban para makatawid sa may gilid ng default box ng A Site. Hindi inasahan ng Akrew ang pag-push na ‘to, dahilan para maka-3K ang Sentinel player.

Sinakyan ng Sentinels ang momentum na nakuha sa round na ito para masemento ang kanilang kalamangan. Natapos ang barilan sa Icebox sa iskor na 13-9 para makumpleto ang 10-0 run ng Sentinels sa lower bracket at maka-qualify sa VCT NA Main Event.

Sa isang tweet matapos ang laban, ibinahagi ni TenZ na muka na raw silang Sentinels maglaro, saka pinasalamatan ang kanilang coach.

10-0 run ng Sentinels sa VCT NA Stage 2 lower bracket, sinelyo ang slot sa main event
Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Sinigurado naman ng IGL na si Shahzeb “ShahZaM” Khan sa kanilang fans na magiging handa sila para sa groups.

Sumasabak nang walang coach ang Sentinels bago ang kanilang kampanya dito. Kinailangan kasing umalis ni Rawkus sa koponan noong ika-isa ng Enero dahil sa kaguluhan patungkol sa buyout mula sa FaZe Clan.

Nagpasaring din ang dating CS:GO pro na si Tarik “tarik” Celik sa management ng Sentinels sa kawalan nila ng coach, lalo na’t kitang-kita kung paano nito naaapektuhan ang kanilang performance.

Ngayong nagbalik na si Rawkus, mukang balik sa dati na ang Sentinels. Sasamahan nila ang 100 Thieves, Evil Geniuses, at Ghost Gaming sa VCT NA Stage 2 Main Event na magsisimula sa ika-13 ng Mayo.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Valorant at VCT, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Kalahati lang ng US$20,000 na napanalunan ng Sentinels sa Valorant Champions ang natanggap nila, ayon kay Zombs