Ibinihagi ng dating Sentiles controller na si Jared “Zombs” Gitlin sa kanyang Twitch stream na kalahati lang ng US$20,000 na napanalunan ng Sentinels sa Valorant Champions tournament, matapos magtapos ang kanilang kampanya sa 9th-12th place, ang kanilang natanggap.

Matapos ibangko ng Sentinels, isiniwalat ni Zombs ang mga impormasyon noong VCT NA Stage 2 Challengers qualifiers watch party kasama ang dating teammate na si Jay “Sinatraa” Won.

Ginamit daw ng Riot Games ang bahagi ng prize pool mula sa Valorant Champions 2021 para mabayaran ang mga dagdag gastusin para sa turneo.

Kalahati lang daw ng napanalunan ng Sentinels ang ibinigay ng Riot Games, ani Zombs

Kalahati lang ng US$20,000 na napanalunan ng Sentinels sa Valorant Champions ang natanggap nila, ayon kay Zombs
Credit: Riot Games

Isa ang North American team na Sentinels sa mga paboritong manalo noong nakaraang Valorant world championship, pero maaga silang namaalam sa turneo.

Natalo sila Team Liquid sa ikalawa nilang laban sa group stage, at na-eliminate ng KRU Esports sa decider match, para magtapos sa 9th-12th place.

Sa kabuuan, US$20,000 ang napanalunan ng Sentinels sa Valorant Champions 2021, pero ayon kay Zombs, hindi buo ang natanggap ng koponan dahil ginamit ng Riot Games ang ilang bahagi ng prize pool para bayaran ang mga ginastos para sa COVID-19 tests at iba pang gastusin noong tournament.

“We got US20,000,” aniya. “That’s US$4,000 a player, and the organization takes a percentage, which isn’t that big, but my payout for that was just US$1,000.”

Sa Valorant Champions 2021, araw-araw tinest para sa COVID-19 ang mga player bilang parte ng safety protocols. Nag-positibo pa nga sina Nabil “Nivera” Benrlitom ng Team Liquid at Victor “Victor” Wong ng OpTic Gaming, kaya’t off stage lumaban ang kanilang koponan.

Sa nakahiwalay na kwarto naglaro sina Nivera at Victor, habang sa sa quarantine facility ng event naman sama-samang naglaro ang kanilang mga kakampi. Maaaring isa ito sa mga nadagdag sa operational cost ng Riot Games.



“We got thousands of dollars less because they took money out of the prize pool to support their COVID-19 tests and random costs of their tournament,” kwento ng dating Sentinels player. “They took a bunch of fees for no reason.”


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Valorant at VCT, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Nadeshot ipinaliwanag kung bakit hindi kinuha ng 100 Thieves Valorant si Wardell