Nagsanib-puwersa sa Valorant roster ng Team Liquid ang magkapatid na sina Nabil “Nivera” Benrlitom at Adil “ScreaM” Benrlitom.

Ito ang pinakahuling pagbabago sa roster ng koponan, dalawang linggo bago sumabak sa VCT EMEA Last Chance Qualifier kung saan ang magwawagi ay makaka-qualify para sa Valorant Champions.

Sino si Nivera ng Team Liquid?

Nivera at ScreaM
Credit: Liquid

Noong 2019 lang sinimulan ng 20-taong-gulang na dating Counter-Strike: Global Offensive professional player ang kanyang esports career. Sumasali siya sa iba’t-ibang French teams bago pumirma noong sumunod na taon sa Team Heretics kung saan niya mas nahasa ang kanyang husay.

Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ni Nivera nang kunin siya ng French esports organization na Team Vitality bilang sixth-man. Nakapaglaro ito kasama ang batikang French CS:GO pros katulad nina Dan “apEX” Madesclaire, Mathieu “ZywOo” Herbaut, at dating teammate ni ScreaM na si Richard “shox” Papillon.

Ang kumpletong roster ng Team Liquid sa para sa VCT EMEA Last Chance Qualifier

Credit: Riot Games
  • Dom “soulcas” Sulcas
  • Travis “L1NK” Mendoza
  • Adil “ScreaM” Benrlitom
  • Elias “Jamppi” Olkkonen
  • Nabil “Nivera” Benrlitom
  • Connor “Sliggy” Blomfield (coach)

Paano naging magkakampe sina Nivera at ScreaM

Binangko ng Team Vitality si Nivera kamakailan kaya’t nabuksan ang pagkakataon na makalaro ito kasama ang kanyang kapatid na si ScreaM at lumipat sa Valorant.

Credit: Liquid

Nagkaroon ng bakante sa roster ng Team Liquid nang umalis si James “Kryptix” Affleck sa koponan dahil sa hindi sinabing personal issue. Sa kabila nito, naka-sign pa rin si Kryptix bilang sa organisasyon bilang inactive player.

Sasabak ang tandem nina Nivera at ScreaM sa Team Liquid pagsabak nito sa VCT EMEA Last Chance Qualifier sa ika-10 ng Oktubre. Ang koponang magwawagi sa patimpalak ay mabibigyan ng pagkakataon na lumahok sa kauna-unahang Valorant Champions, kasama ang 12 sa pinakamalakas ng koponan sa buong mundo.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.