Ang VCT EMEA Last Chance Qualifier ang magiging huling touranament para sa mga teams sa Europe, Middle East, at Africa na nagnanais makasali sa Valorant Champions 2021 event sa pagtatapos ng taon.

Ang Acend at Fnatic ay parehong nag-qualify para sa Valorant Champions 2021 dahil sa pagkakaroon nila ng pinkamaraming VCT 2021 circuit points sa kani-kanilang mga rehiyon.

Gambit Esports ang ikatlong team mula sa EMEA region na makakasali sa Valorant world championship ng Riot Games dahil sa kanilang pagkakapanalo sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Para sa mga teams na walang sapat na VCT 2021 circuit points, kakailanganin nilang maghintay ng susunod na season para makapag-compete. At dahil dyan, narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa VCT EMEA Last Chance Qualifier.


Ano ang VCT EMEA Last Chance Qualifier?

Valorant TeamLiquidDay5VCTStage2Masters
Credit: Riot Games

Ang tournament ay isang invite-only eight-team online event kung saan ang mananalo ay sasama sa 15 sa mga pinakamahuhusay na teams sa mundo sa Valorant Champions 2021 competition.

Para maimbita, kailangan ay nakakuha ng sapat na circuit points ang teams sa VCT tournament season. Napagdesisyunan din ng Riot Games na imbitahin ang best team mula sa Arabia upang sumali.

Ang top seven EMEA teams na hindi nag-qualify para sa Valorant Champions 2021, at ang winner ng Strike Arabia Grand Final ang maglalaban-laban sa Last Chance Qualifier.


VCT EMEA Last Chance Qualifier schedule at mga resulta

Valorant G2EsportsVCTStage3MastersBerlin2
Credit: Riot Games

Ang tournament ay magsisimula sa October 10, at tutuloy hanggang October 17, 2021.

Ang lahat nang petsa at oras ay GMT+8.

(To be updated)


Format ng VCT EMEA Last Chance Qualifier

Valorant SuperMassiveBlazeVCTStage3MastersBerlin
Credit: Riot Games

Ang walong teams ay maglalaban sa isang double-elimination tournament kung saan ang magwawagi ay aabante sa Valorant Champions 2021 tournament. Ang lahat nang matches ay best-of-three, maliban sa Grand Final, na magiging best-of-five.


Mga teams na lalaban sa VCT EMEA Last Chance Qualifier

Valorant G2EsportsSentinelsVCTStage3MastersBerlin
Credit: Riot Games

Narito ang walong teams na nakakuha ng sapat na points upang makasali sa Last Chance Qualifier.

TEAMSREGION
G2 EsportsEMEA (Europe)
Team LiquidEMEA (Europe)
SuperMassive BlazeEMEA (Turkey)
Oxygen EsportsEMEA (Turkey)
FutbolistEMEA (Turkey)
Guild EsportsEMEA (Europe)
forZeEMEA (CIS)
TBDArabia

Saan mapapanood ang VCT EMEA Last Chance Qualifier

Valorant VCTStage3MastersBerlinStage
Credit: Riot Games

Mapapanood ng mga Valorant fans ang mga matches live sa Twitch channel at YouTube page ng Valorant.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.