Tukoy na ang 12 koponang directly qualified sa Valorant Champions 2021, ang huling turneo ng kauna-unahang Valorant Champions Tour.
Kasabay ng pagkakatapos ng VCT Stage 3 Masters Berlin ang pagkakakumpleto ng nasabing listahan. Ang naturang turneo na kasi ang huling pagkakataon ng mga koponan para makalikom ng VCT points na kanilang kailangan para magkaroon ng pagkakataon na makalaro sa Champions.
Narito ang mga teams na nakalikom ng pinakamataas na puntos sa kani-kanilang rehiyon upang maka-qualify sa Valorant Champions 2021.
Ang mga directly qualified teams sa Valorant Champions 2021
Masters Berlin Champion
NA Circuit Points
LATAM Circuit Points
- KRÜ Esports
BR Circuit Points
- Team Vikings
- Keyd Stars
EMEA Circuit Points
- Acend
- Fnatic
KR Circuit Points
- Vision Strikers
JP Circuit Points
- Crazy Raccoon
SEA Circuit Points
- X10 Esports
- Team Secret
Last Chance Qualifier para sa Valorant Champions 2021
Bukod sa 12 sa pinakamalalakas na Valorant teams sa mundo, apat na koponan pa ang kukumpleto sa mga bilang ng kalahok. Ang mga ito ay manggagaling sa Last Chance Qualifier na nakatakdang ganapin sa mga rehiyon ng NA, EMEA, SA, at APAC.
Ang bawat rehiyon na nabanggit ay may pagkakataon na makapagpadala ng isa pang kinatawan sa turneo. Kalahok sa nasabing qualifier ang mga koponang lumaban sa dalawang stage ng Valorant Champions Tour pero bigong makalikom ng sapat na puntos para makapasok sa kauna-unahang Champions.
Nakatakdang ganapin ang Last Chance Qualifier simula ika-13 hanggang ika-17 ng Oktubre.
Samantala, muling idadaos ang Valorant Champions 2021 sa Berlin, Germany simula ika-isa hanggang ika-12 ng Disyembre ngayong taon.