Kamakailan ay inanunsyo ng 100 Thieves Valorant ang kanilang roster, at kapansin-pansin na may nawawala. Hindi makikita sa roster si Matthew “Wardell” Yu, sa kabila ng mga usap-usapang isa siya sa mga top prospect ng team.

Sa halip ay ipinasok ng organization sina Derrek “Derrek” Ha, Brenden “stellar” McGrath, at William “Will” Cheng, na bumubuo sa roster na halos nawalan ng core dahil sa pag-alis nina Spencer “Hiko” Martin at Ethan “Ethan” Arnold.

Ipinaliwanag ni 100 Thieves CEO Matthew “Nadeshot” Haag kung bakit sila nagdesisyon na huwag kunin ang dating TSM superstar sa isang stream kamakailan, kung saan sinabi niya na ito ay desisyon sa parte ng management ng team.

Hindi nababagay si Wardell sa 100 Thieves Valorant team, ayon kay Nadeshot

100 Thieves New Roster VCT Stage 2 2022
Credit: 100 Thieves

“The coaches, the GM, and myself – the organization as a whole actually – felt like there were probably a few things we needed from a duelist that Wardell didn’t necessarily have,” sabi Nadeshot, patungkol sa bagong 100 Thieves General Manager na si Daniel “ddk” Kapadia.

“We just felt that there was a player in Will, from a cultural standpoint and the way that he bought into the team and the program, that was probably a better fit.”

Mula sa Gen.G at Built By Gamers ay sumali si Will sa 100 Thieves, kung saan kinuha niya ang role bilang primary duelist mula kay Peter “Asuna” Mazuryk.

Bagama’t kilala si Wardell bilang isa sa mga pinakamahuhusay na Operator users sa Valorant, hindi lang basta tungkol sa skills ang batayan ng pagpirma ng isang players sa isang team, ayon kay Nadeshot.

“Skill sets are one thing. Talent is one thing. But the overall team chemistry and the culture of how those players interact with each other on a day-to-day basis are of utmost importance,” paliwanag niya.

Sa huli, nagdesisyon ang management staff na hindi akma si Wardell para particular na grupong kanilang binuo.

Sa kabilang banda, mukhang nag-e-enjoy ang dating TSM pro maging Malaya bilang isang free agent at streamer. Habang naiulat naman na nagpa-practice siya kasama ang Version1 bilang isang stand-in, hindi rin malinaw kung gusto niya pang magbalik upang muling mag-compete.

“The future for me is kind of undecided as of right now. I could play pro, but I’m more focused on working out and streaming now,” sabi niya sa isang story na pinost niya sa kanyang Instagram account. “I’m feeling free as a content creator.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.