Maaaring hindi na maging parte ng bagong starting roster ng 100 Thieves ang beteranong player na si Spencer “Hiko” Martin, ayon sa ulat mula kay George Geddes ng Dot Esports.

Magiging isa ito sa mga pinakamalaking roster changes mula nang umalis si Joshua “steel” Nissan at Nicholas “nitr0” Canella noong nakaraang taon. Si Hiko ang unang miyembro ng 100 Thieves Valorant squad noong 2020, nang maatasan siyang tulungan ang organisasyon na bumuo ng isang team sa bagong tactical shooter ng Riot Games.

Naglalayon ngayon ang North American organization na bumuo ng bagong pundasyon sa kanilang roster bilang paghahanda para sa VCT NA Stage 2 sa May.

100 Thieves maaaring bitawan si Hiko, mananatili sina Asuna at bang

100 Thieves Asuna Berlin 2021
Credit: Riot Games

Sa kabila ng kanyang reputasyon bilang isang clutch god, matinding kritisismo ang natanggap ni hiko dahil sa kanyang performance sa VCT NA Stage 1 Challengers, matapos magamukhang pinapain niya ang kanyang mga teammates at hindi nito pagsama sa mga team fights.

Ngunit bukod pa dito, naiulat din na mananatili sa 100 Thieves ang mga mas bata nitong miyembro na sina Peter “Asuna” Mazuryk at Sean “bang” Bezerra, ito ay matapos nilang magpasyang bitawa si Noah “jcStani” Smith. Hindi pa malinaw kung mananatili rin sa team ang in-game leader na si Ethan “Ethan” Arnold.

Unang naiulat na maaaring kunin ng 100 Thieves ang dating TSM player na si Matthew “Wardell” Yu dahil nangangailangan ang team ng isang dedicated Operator player, subalit hindi sapat ang impormasyon tungkol sa possible niyang pagpirma.

May dalawa pang players na kinakausap ang 100 Thieves, ayon sa Dot Esports, isa na dito ang Sova main ng Rise na si Derrek “Derrek” Ha. May posibilidad na siya ang pumalit sa puwesto ni Hiko sa roster bilang main Sova player ng 100 Thieves kung sakaling matuloy ang kanyang pagpirma.

Nagtapos sa panlimang puwesto ang team sa group stage ng VCT NA Stage 1 Challengers, sa itaas ng Evil Geniuses. Hindi naging madali para sa kanila ang mahanap ang tamang formula kahit na sa mga Tier 2 tournaments, sa kabilang ng ilang mga roster changes nitong mga nakaraang buwan kung saan pinalit nila sina bang at jcStani kina Adam “ec1s” Eccles at Hunter “Baby J” Schline.

At matapos kunin ang sikat na casting duo nina Daniel “ddk” Kapadia at Sean Gares bilang general manager at head coach, mukhang malaking pagbabago nga ang maaaring maganap.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.