Si Nicholas “Nitr0” Cannella ay isang dekoradong esports professional na nag-compete sa Counter-Strike at Valorant. Nakilala at sumikat sya sa CS:GO nang manalo sya sa Intel Grand Slam kasama ang Team Liquid noong 2019.

Nagdesisyon ang 26-anyos na American player na lumipat sa Valorant noong August 14, 2020, at naging bahagi ng overhauled roster ng 100 Thieves.

Bilang isa sa mga pinakamahusay na players ng team, naging mahalaga ang partisipasyon ni Nitr0 sa kanilang laban sa unang season ng Valorant Champions Tour noong 2021.

Itinuring na top contender ang 100 Thieves sa North American region, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi sila nakapasok sa Valorant Champions dahil sa hindi magandang performance sa kabuuan ng VCT 2021 season.

Sa isang panayam sa The Washington Post, ipinaliwanag ni Nitr0 na merong namuong hindi pagkakasundo sa team kung kaya’t umalis nang 100 Thieves ang kanialng IGL (in-game leader) na si Joshua “steel” Nissan, bago sila lumaban sa VCT NA Last Chance Qualifier.

Ang bigating Valorant roster at VCT 2021 run ng 100 Thieves

Valorant 100 Thieves Nitr0 Hiko VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Nagsimula ang Valorant campaign ng sikat na North American squad nang kunin nila ang dating CS:GO veteran na si Spencer “Hiko” Martin bilang leader ng bagong roster.

Kasama ang mga dating PUBG pros, pinasali sya ng organization sa mga Ignition Series competitions ng Riot Games. Matapos kapusin ng ilang beses sa mga tournaments, nagdesisyon ang 100 Thieves na baguhin ang kanilang roster kung kaya’t kinuha nila si Nitr0, ang pinakamalaking free agent noong mga panahong ‘yon.

Ipinakita ng 100 Thieves na seryoso silang maging pianakamahusay na team sa Valorant nang kunin nila ang kanilang ikatlong CS:GO veteran na si steel noong September 4, 2020. Kinumpleto ng organization ang kanilang roster sa pagkuha sa dalawang rising stars na sina Peter “Asuna” Mazuryk at Quan “dicey” Tran.

Sa loob lamang ng dalawang buwan, sinakop ng 100 Thieves ang North American region. Nanalo sila sa First Strike competition ng Riot Games kung saan tinalo nila ang TSM sa grand final sa score na 3-1. Sila ang naging team to beat sa simula ng VCT 2021 season.

Sa kasamaang-palad, nagkaroon ng maraming balakid para sa North American powerhouse ang 2021. Nagkaroon sila ng magandang run sa pagtatapos ng VCT 2021 season nang mag-qualify sila para sa Masters Berlin. Nakarating sila sa semifinals, ngunit nilaglag sila ng kapwa North American squad na Team Envy sa score na 0-2.

Nagtapos ang season para sa 100 Thieves nang talunin sila ng Cloud9 sa VCT NA Last Chance Qualifier.

Ipinaliwanag ni Nitr0 ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng team at ni steel

Valorant 100 Thieves VCT Stage 3 Masters Berlin
Credit: Riot Games

Bago sila sumabak sa VCT NA Last Chance Qaulifier, ipinalit ng 100 Thieves si Aaron “b0i” Thao kay steel. Hindi karaniwan ang desisyon na ito ng team dahil nangyari ang mga pagbabago ilang linggo na lamang bago ang Valorant Champions qualifier.

Ayon kay Nitr0, umabot sila sa punto kung saan hindi na makasundo ng team si steel.

“The decision to cut steel was not something that was in the works for a very long time,” paliwanag ni Nitr0. “It just kind of happened.”

Nahirapan ang team na magkaroon ng produktibong training session dahil hindi makakita si Nitr0 ng motivation. Hindi rin nila napag-usapan at naresolba ang mga nagawa nilang pagkakamali dahil pinili ng team na huwag magsalita sa practice.

“On 100 Thieves, we didn’t really have a very good relationship with steel inside the game,” kwento ni Nitr0. “Specifically, he and our coach (Hector “FrosT” Rosario) didn’t really get along.”

Napakababa ng team chemistry ng 100 Thieves dahil sa kawalan ng respeto sa pagitan ng mga players. Pakiramdam ni Nitr0 na hindi sila umuusad at wala na syang makitang motivation noong huling anim na buwan nya sa 100 Thieves.

Ang mga issues na ito ang nagtulak kay Nitr0 na magdesisyong bumalik sa CS:GO at sumali sa kanyang dating squad, ang Team Liquid. Umalis na rin sa 100 Thieves si steel upang sumali sa T1 noong katapusan ng 2021.

Magsisimula na ang VCT NA 2022 season sa January 27. Samantala, magbabalik si Nitr0 sa CS:GO sa January 28 sa BLAST Premier: Spring Groups 2022 tournament.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.