Ang north American pro player na si Shane “Rawkus” Flaherty ang bagong team coach ng Sentinels Valorant roster, sa pagtatapos ng kanyang 2021 VCT season run sa FaZe Clan.

Ang FaZe Clan ang isa sa mga nangungunang teams sa North America sa simula ng season. Nanalo sila sa VCT NA Stage 1 Challengers 3 tournament matapos talunin ang 100 Thieves, 3-0.

Nagtapos sa ikalawang pwesto ang FaZe Clan sa VCT NA Stage 1 Masters event, ngunit tinalo sila ng Sentinels 0-3 sa grand final.

Rawkus umalis ng FaZe Clan sa pagtatapos ng 2021 VCT season

Valorant FaZe Clan Rawkus
Credit: FaZe Clan

Sumali si Rawkus sa FaZe Clan, kasama ang kapwa Overwatch pro player na si Andrej “babybay” Francisty, noong August 2020 bilang Sova main ng team.

Nagtapos sa ikalimang pwesto ng VCT NA circuit points standings ang 27 taong gulang na pro player, kung kaya’t nag-qualify ang team para sa VCT NA Last Chance Qualifier (LCQ).

Kinapos ang team para makapasok sa Valorant Champions 2021 matapos matalo sa Rise at Version1, na nagpatalsik sa kanila sa NA LCQ.

FaZe Clan Valorant roster

  • Corey “corey” Nigra
  • Zachary “ZachaREEE” Lombardo
  • Andrej “babybay” Francisty

Rawkus sumalis sa Sentinels bilang coach bago ang Valorant Champions 2021

Valorant Sentinels Coach Rawkus
Credit: Sentinels

Ang Sentinels ang pinakamahusay na Valorant team sa North America region, na nanalo ng maraming VCT Challenegrs at Masters events sa kabuuan ng season sa kabila ng kanilang kawalan ng official head coach.

Kilala sila sa kanilang undefeated tournament run at mga kampeon ng kauna-unahang international event ng Riot Games para sa Valorant, ang VCT Stage 2 Master Reykjavik, na nagbigay sa kanila ng sapat na circuit points upang makapasok sa Valorant Champions 2021.

Hindi nagawang ulitin ng Sentinels ang tagumpay na ito sa kanilang ikalawang international competition, kung saan nagtapos sila sa 5th-8th place sa VCT Stage 3 Masters Berlin.

Sa kabuuan ng season, si Shahzeb “ShahZaM” Khan ang tumayong team captain, in-game leader, at coach. Sa pagpasok ni Rawkus sa team ay makakapag-focus na si ShahZaM sa kanyang core role bilang in-game leader ng team para sa Valorant Champions 2021.

Sentinels Valorant roster

Si Rawkus na nga ba ang missing piece sa all-star roster ng Sentinels na magpapanalo sa kanila sa unang Valorant world championship?

Ang Valorant Champions 2021 ay katatampukan ng 16 sa pinakamahuhusay na teams sa buong mundo. Ang tournament ay magsisimula sa December 2, 2021.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal sa akda.