Nagpositibo sa COVID-19 ang Fnatic player na si James “Mistic” Orfila at kasalukuyang naka-isolate sa kanyang hotel room sa Copenhagen, Denmark.

Ang 20-anyos ay nag-post ng litrato ng isang positive Antigen Rapid Test sa Twitter noong nakaraang linggo, ngunit ayon sa ulat ay mild symptoms lamang daw ang narranasan niya.

Dahil dito, hindi kailangang mangamba ng mga fans na maulit ang nangyari noong Masters Reykjavik kung saan kinailangan ng team na maglaro na may dalawang stand-ins. Inaasahan pa ring makakapaglaro si Mistic para sa Fnatic, lalo na’t sila ang nakakuha ng first seed at hindi magsisimula ang kanilang tournament run hanggang sa magsimula ang playoffs sa July 14.


Malamang ay makapaglaro pa rin si Mistic

Fnatic Mistic Masters Reykjavik 2022
Credit: Riot Games

Ang EMEA top seed ay isa sa mga paborito upang manalo sa Masters Copenhagen, dahil na rin ito sa kanilang undefeated run sa VCT EMEA Stage 2 Challengers.

Ito ang pinakamalakas na estado ng koponan, matapos maidagdag ang one-time Reykjavik stand-in na si Enzo “Enzo” Mestari at Turkish prodigy na si Emir Ali “Alfajer” Beder.

Hindi nakapaglaro nang buong lakas sina Jake “Boaster” Howlett at ang kanyang mga kasama sa Iceland noong April. Nagpositibo rin sa corona virus ang star player na si Nikita “Derke” Sirmitev, at kinalaunan ay hindi rin siya nakasama sa kanyang team dahil sa maaga nilang pagkatanggal sa group stage.

Buti na lang ay nasa Denmark na si Mistic at pwedeng maglaro mula sa hotel kung kinakailangan. “There’s no world where we don’t play together as five now,” sabi ng Valorant Team Director na si Colin “CoJo” Johnson.

“It’s just a question of on stage or from hotel and with his current timeline and symptoms beginning we’re confident we will be able to play on stage.”

Isa pa sa mga naging banta sa team mula sa pagkakaroon ng kumpletong roster ay ang pagkaantala ng pagkuha ni Alfajer ng kanyang travel visa sa kadahilanang nasunog ang issuing center.

Umabot pa sa puntong kinausap ng organisasyon ang BIG player na si Karel “Twisten” Ašenbrener bilang pamalit, ayon kay CoJo, kung sakaling hindi makaabot sa Denmark ang kanilang 17-anyos na star. Sa kabutihang palad ay nakuha na ni Alfajer ang kanyang visa at nakalipad na papuntang Copenhagen.

Hindi pa nakakaranas makakuha ng international trophy ang Fnatic, sa kabila ng mahirap at kamuntikan na nilang pagkapanalo noon. Kung maipapakita nila ang parehong laro at porma na ginawa nila sa EMEA Challengers, kinakailangang mag-ingat ng ibang teams.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.